Alyssa Valdez, emosyonal na nagpaalam kay Big Brother; Samantha Bernardo, papalit sa kanya

Alyssa Valdez, emosyonal na nagpaalam kay Big Brother; Samantha Bernardo, papalit sa kanya

- Emosyonal na nagpaalam si Alyssa Valdez kay Big Brother bilang kasama sa Top 2 ng celebrity Kumunity edition ng Season 10

- Maghahanda na umano si Alyssa para SEA games kung saan kasama siya sa national team ng volleyball

- Babalik pa sana si Alyssa upang makaharap ang mga top 2 ng adult at ng teen edition

- Samantala, nasurpresa naman ang kanyang "sizzy" na si Samantha Bernardo na siyang papalit kay Alyssa bilang Top 2 kasama ni Anji Salvacion

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Emosyonal na nagpaalam si Alyssa Valdez kay Big Brother ngayong May 1.

Alyssa Valdez, emosyonal na nagpaalam kay Big Brother; Samantha Bernardo, papalit sa kanya
Alyssa Valdez, emosyonal na nagpaalam kay Big Brother; Samantha Bernardo, papalit sa kanya (Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi na umano makakabalik pa si Alyssa sa loob ng Big Brother house upang harapin ang mga top2 ng adult at celebrity edition upang harapin ang mga hamon pa ni Kuya para tanghaling big winner.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Paliwanag ni Alyssa, bagaman at natapos na muli ang isang season nila sa volleyball, puspusan naman na ngayon ang paghahanda ng national team para sa SEA Games kung saan siya kabilang.

"Dito po sa labas ng inyong bahay, meron pong mga commitments na kailangan din po ako na gampanan, para po sa ating bansa. Magpe-prepare naman po ang national team para po sa nalalapit na SEA Games. Sa Vietnam po ito gaganapin and hindi ko rin po masasabi kung kailan po matatapos. Kaya naman po, hindi ko po magagampanan at hindi po ako makakabalik sa loob po ng inyong bahay."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ang pag-anunsyo na ito ni Alyssa, sinurpresa naman ni Kuya si Samantha Bernardo na siyang papalit umano kay Alyssa sa pagiging Top 2. Kasama parin ni Samantha na babalik sa bahay ni Kuya si Anji Salvacion.

Read also

Jolina, ini-flex ng mister na si Mark Escueta sa Mother's day greeting nito sa kanya

Bukod sa pagiging isang Volleyball Star, kilala rin si Alyssa sa pagiging Top 2 ng Pinoy Big Brother Kumunity Celebrity Edition Season 10. Kasama na nagwagi ni Alyssa si Anji Salvacion.

Nakasama naman niya sa final 5 sina Brenda Mage, Madam Inutz at Samantha Bernardo.

Samantala, isa na si Alyssa sa mga kilalang personalidad na sumusuporta kay Leni Robredo sa kandidatura niya sa pagka-pangulo sa May 2022 Elections.

Matatandaang ilan sa mga hayagang nagpapakita ng suporta kay Robredo ay sina , Angelica Panganiban, Anne Curtis, Rita Avila, Agot Isidro, Rica Peralejo at Jolina Magdangal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel