Cristy Fermin, hanga kay Sharon Cuneta; "Kilos ng edukadong tao"

Cristy Fermin, hanga kay Sharon Cuneta; "Kilos ng edukadong tao"

- Hanga umano si Cristy Fermin sa naging reaksyon ni Sharon Cuneta sa ilang kilalang personalidad na si Vice President Leni Robredo lang ang sinuportahan

- Sinasabing ang ilang showbiz personalities kasi ang hindi nagbanggit sa pangalan ng mister niyang si Senator Kiko Pangilinan na running mate ni VP Leni

- Ayon kay Cristy, hindi umano pag-dedma ang ginawa ni Sharon kundi gawi ito ng isang edukadong tao

- Samantala, patuloy pa rin ang pagsama ni Sharon sa kampanya ng kanyang mister at ngayo'y kasama na rin nila ang isa pang anak na si Kakie Pangilinan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminadong bumilib si Cristy Fermin sa naging reaksyon ni Sharon Cuneta kung saan ilang kilalang peronalidad ay tanging si VP Leni Robredo lamang ang sinusuportahan at hindi ang kanyang mister na running-mate ni VP Leni na si Senator Kiko Pangilinan.

Read also

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

Cristy Fermin, hanga kay Sharon Cuneta; "Nirespeto niya ang karapatan nina Kris, Vice at Maricel"
Cristy Fermin, hanga kay Sharon Cuneta; "Nirespeto niya ang karapatan nina Kris, Vice at Maricel" (Photo: Kiko Pangilinan)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ilan sa sinasabing showbiz peronalities na ito ay sina Kris Aquino, Vice Ganda at Maricel Soriano.

Ayon kay Cristy, sa YouTube show nilang 'Showbiz Now Na!' nina Romel Chika at Morly Alinio, tama lang umano ang naging reaksyon ni Sharon Cuneta na wala na itong inilabas na pahayag o komento ukol sa nasabing hindi pagbanggit ng kilalang personalidad sa kanyang mister.

"Kung ako si Sharon, tamang-tama ang ginawa niya. Hindi po dedma ang tawag 'dun. Ang tawag po 'dun, kilos ng isang edukadang babae Nirespeto niya ang karapatan nina Kris (Aquino), Vice (Ganda) sa ka ni Maricel (Soriano)"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paliwanag ni Cristy, ang tatlong nabanggit na perosnalidad ay pawang si Vice President Leni lamang ang binabanggit na sinusuportahan at hindi umano ang mister ng Megastar na si Senator Kiko.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

"Unang sampal, Kris Aquino. Ikalawang sampal kay Maricel Soriano saka kay Vice Ganda na isang gabi lang kasi naganap 'yun."
"Palagay ko yung pag-akyat ni Maricel dyan, mayroon nang usapan 'yan. Dahil alam naman nating si Maricel Soriano ay kaibigang matalik ng Tito, Vic and Joey so siyempre andun na siguro 'yung oo bakit aakyat ako pero VP Leni lang ah, hindi ako pwedeng mag-endorse ng Vice."

""Yung kay Kris Aquino, hindi ko maintindihan bakit hindi binanggit si Senator Kiko. Si Vice Ganda, binulungan ni Angel Locsin kaya binanggit si Senator (Kiko) para tawagin at magsama-sama sila doon, walang endorsement," ayon kay Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Cristy Fermin is a veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Kamakailan, isa rin sa mga pinuri ni Cristy Fermin ay si Angel Locsin. Inamin pa ni Cristy na talagang naluluha pa umano siya tuwing makikita si Angel na kasama ang ama nito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel