VP Leni, humarap sa mga umano'y factory workers na 80% ay BBM supporters
- Nagtungo si Vice President Leni Robredo sa isang factory na pawang 80% ay pawang mga supporters ni Bongbong Marcos
- Una niyang sinagot ang mga katanungan ng mga BBM supporters
- Karamihan ng naitanong sa kanya ay kung paano matutugunan ang mga suliranin ng trabaho at pagpapa-angat ng kabuhayan ng mga mahihirap
- Isa sa mga nasabi niya ay ang hindi agad pagkukumbinsi sa mga nakaharap niyang iba ang sinusuportahan kundi pag-aralan ang kanilang mga nagawa na na patuloy pa rin nilang gagawin sakaling palarin na siya ang maging pangulo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matapang na hinarap ni presidential candidate VP Leni Robredo ang factory na umano'y 80% ng mga manggagawa ay pawang mga supporters ni Bongbong Marcos.
Nalaman ng KAMI na nagtungo roon si Robredo upang sumagot ng ilang mga katanungan lalo na ang mga manggagawa roon na iba ang susuportahan sa pagka-pangulo.
Karamihan sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa pagbabago sa estado sa buhay ng mga tulad nilang manggagawa.
Ipinaliwanag naman ito ng bise presidente base sa mga programang naisagawa na nila at talagang bumago umano sa pamumuhay ng kanilang mga natulungan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nasabi rin niya sa mga BBM supporters na ito na hindi niya agad sila makukumbinsi na siya ay iboto. Binigyan niya ito ng pagkakataong kilalanin siya at ang kanyang grupo kung ano na nga ba ang mga nagawa nila para sa mamamayan ng bansa lalo na ang mga naghihikahos sa buhay.
"Hindi ko kayo kukumbinsihin ngayon. Mahirap na magdesisyon kayo dahil nakausap ko kayo... Mas mabuti na magdedesisyon kung napag-aralan niyo kung sino ba talaga kami"
Narito ang kabuuan ng kanyang naging panayam sa mga manggagawa na ibinahagi rin ni Senator Antonio "Sonny" Trillanes IV:
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, matapang na sinagot ng kasalukuyang bise presidente ang kabi-kabilang paninira umano sa kanya maging sa kanyang pamilya. Aniya, hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari na dinanas na rin nila noong Eleksyon 2016.
Samantala, ibinahagi niya kamakailan ang pagha-house to house campaign niya sa Naga matapos na bumisita sa burol ng kanyang umanong kaibigan. Aniya, tila na miss niya ang ganoong klaseng pagkampanya kung saan naririnig ang mga hinaing ng ating mga kababayan.
Source: KAMI.com.gh