Ogie Diaz sa crowd estimate ng "Quezon is Pink" rally: "Grabe yung mga tao! Umabot ng 80k!"
- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang video ng mga kaganapan sa campaign rally ng grupo ni Vice President Leni Robredo sa Probinsya ng Quezon
- Aniya, umabot umano sa 80,000 ang crowd estimate sa nasabing lugar
- Si Ogie Diaz ang naging host ng nasabing pagtitipon kasama si Mama Loi
- Makailang beses nang naging host si Ogie Diaz sa mga campaign rally ng mga 'Kakampink' ngunit nilinaw niyang boluntaryo ito at walang tinatanggap na anumang kabayaran
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagbahagi ng ilang video si Ogie Diaz na kuha sa entablado ng "QuezonIsPink" rally ng grupo ni Vice President Leni Robredo sa Lucena City, Probinsya ng Quezon.
Nabanggit din ni Ogie D na umabot sa 80,000 ang crowd estimate ng mga Kakampink sa nasabing probinsya.
Gayunpaman, aabangan pa rin umano ang reaksyon ng ilan na hindi raw pumapayag sa mga naglalakihang bilang ng crowd estimate sa iba't ibang People's rally ni VP Leni.
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.
Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.
Matatandaang nag-trending ang unang beses na nag-host ng People's rally ni presidential candidate Leni Robredo sina Ogie D at Mama Loi sa Iloilo.
Sinundan na ito ng malalaking campaign rally kung saan pumapalo na sa halos 100,000 hanggang mahigit 400,000 ang bilang ng mga dumadalo.
Isa umano si Ogie Diaz sa mga kilalang personalidad na sumasama sa mga campaign rally ng mga 'Kakampink' at wala umano silang tinatanggap na kahit anong kabayaran para sa kanilang pagsuporta sa kandidatura ni VP Leni Robredo.
Kamakailan, naghayag na rin ng pagsuporta kay VP Leni sina Catriona Grey at maging ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Nagawa pa ni Vice na itaas ang kamay ni VP Leni bilang pag-endorso niya rito. Nagawa niya ito sa birthday rally ng kasalukuyang bise presidente noong Abril 23.
Source: KAMI.com.gh