Herlene "Hipon Girl" Budol, isa sa official candidates ng Binibining Pilipinas 2022

Herlene "Hipon Girl" Budol, isa sa official candidates ng Binibining Pilipinas 2022

- Pasok na sa final screening ng Binibining Pilipinas 2022 si Herlene "Hipon Girl" Budol

- Kasama siya sa 40 na mga kandidatang magkakaroon ng pagkakataong maging kinatawan sa ilang prestihiyosong pageant sa mundo

- Matatandaang minsan nang ikinuwento ni 'Hipon Girl' ang puspusang paghahanda niya para nasabing beauty pageant

- Aniya, wikang Filipino ang kanyang gagamitin at hindi raw umano niya pipilitin pang mag-Ingles

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pasok sa final screening ng Binibining Pilipinas 2022 si Herlene "Hipon Girl" Budol.

Herlene "Hipon Girl" Budol, pasok sa final screening ng Binibining Pilipinas 2022
Herlene "Hipon Girl" Budol (Binibining Pilipinas)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa si Herlene sa magkakaroon ng pagkakataong makasungkit ng ng korona para maging kinatawan ng Pilipinas sa iba pang mga presitihiyosong beauty pageant sa mundo.

Matatandaang minsan nang naibahagi ni Hipon Girl ang paghahanda niya sa pagsali sa Binibining Pilipinas.

Ito ay sa tulong ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na siyang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na pasukin ang mundo ng pageantry.

Read also

Jake Cuenca, emosyonal matapos isapubliko ang tungkol sa paghihiwaly nila ni Kylie Versoza

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, naibulalas ni Herlene sa kanyang instagram post ang tungkol sa paggamit niya ng wikang Filipino sa Binibining Pilipinas. Aniya, hindi na umano niya pipilitin pang mag-Ingles.

"Opo, hindi ko po ikinahihiya na naiyak ako dahil sa English, but it doesn't mean hanggang dun na lang ang Hipon girl niyo. Hindi ko pipilitin mag-Ingles, Wikang Filipino po ang gagamitin ko"

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Kamakailan, hinangaan din ng marami si Hipon Girl matapos na ipamigay nito ang lahat ng kanyang nahakot sa 1-minute shopping challenge sa kanya ni Wilbert Tolentino.

Read also

Pau Fajardo, aminadong kailangan pa ng oras para makapagpatawad

Sunod-sunod ang mga naging proyekto at biyaya ni Herlene nang maging alaga na rin siya ni Wilbert Tolentino tulad ni Madam Inutz na kabi-kabila na ang taping at recording mula nang makalabas sa bahay ni kuya.

Katunayan, nagkaroon na rin ng bagong sasakyan si Herlene nito lamang Marso na hindi niya akalaing mapapasa-kamay na niya agad.

Sa ngayon, abala si Herlene sa kanyang negosyo at sa paghahanda sa pagsali sa Binibining Pilipinas. Magtatapos na rin siya ng kanyang pag-aaral ngayong taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel