Mariel Padilla, natuwa sa remix ng 'Nahulog ang electric fan'; kinanta sa isang campaign rally

Mariel Padilla, natuwa sa remix ng 'Nahulog ang electric fan'; kinanta sa isang campaign rally

- Kamakailan ay nag-viral ang remix ng viral video ni Mariel Padilla na 'Nahulog ang electric fan'

- Maging si Mariel ay naaliw sa kanta na hindi niya akalaing mabubuo base lang sa kanyang naging reaksyon

- Katunayan, kinanta na raw niya ito sa isang campaign rally ni Aiko Melendez

- Nagbiro pa si Mariel na baka lagyan pa raw niya ng dance moves ang nasabing awitin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aliw na aliw si Mariel Padilla remix ng kanyang viral video na 'Nahulog ang electric fan.'

Mariel Padilla, natuwa sa remix ng 'Nahulog ang electric fan'; kinanta sa isang campaign rally
Mariel Padilla, natuwa sa remix ng 'Nahulog ang electric fan'; kinanta sa isang campaign rally (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na natuwa si Mariel sa nabuong awitin mula lamang sa kanyang reaksyon nang makitang nahulog ang kanilang electric fan.

Nasapul kasi ito sa camera dahil kasalukuyan noong naka-live si Mariel.

Nakapanayam ng Ogie Diaz Showbiz Update si Mariel at naikwento nitong nakanta na niya ang 'Nahulog ang electric fan.'

Read also

VP Leni, ipinakita ang mga laman ng kanyang bag tuwing kampanya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"When I first saw sa social media na merong gumawang kanta na 'Nahulog ang electric fan', sobra akong na-flatter, nakaktuwa. And ang ganda 'nung song, sobra akong natuwa sa song."
"Kaya naman noong may pa-rally si Councilor Aiko (Melendez), kinanta ko talaga. Ang saya-saya nung kanta tapos sobra akong nag-enjoy!"

Nagbiro pa si Mariel na sa sobrang tuwa, baka raw gawan niya ito ng dance moves.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at actress. Siya ay isang American Citizen na ikinasal sa aktor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal, India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Ngayon, masaya silang namumuhay kasama ang kanilang dalawang anak na babaeng sina Isabella at Gabriela.

Read also

Cristy Fermin, 'di raw kinilig sa umano'y eksena nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Kamakailan, nag-viral din ang live-selling video ni Mariel na kinaaliwan ng marami. Lalo na nang malaman ng mga netizens na ito ay bilang pagsuporta ng aktres sa kandidatura ng kanyang mister na si Robin sa pagka-senador.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel