Mariel Padilla, kinilig nang muling panuorin ang panghaharana ni Robin Padilla

Mariel Padilla, kinilig nang muling panuorin ang panghaharana ni Robin Padilla

- Isa sa lumang video na napanuod ni Mariel Padilla sa kanyang YouTube video ay ang pagkanta ni Robin Padilla para sa kanya

- Hindi naman maitago ni Mariel ang kanyang kilig habang binabalikan ang panunuyo noon ng kanyang mister

- Kuha ito sa noontime show na Wowowee kung saan isa si Mariel sa host ng nasabing noontime show

- Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang pinakabagong YouTube video, binahagi ni Mariel Padilla ang kanyang reaksiyon sa mga lumang videos na kinalap ng kanyang team. Ang mga ito ay mula pa noong dalaga siya hanggang sa mga panahong niligawan na siya ni Robin Padilla.

Mariel Padilla, kinilig nang muling panuorin ang panghaharana ni Robin Padilla
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Isa sa mga eksenang nagpangiti sa kanya ay nang haranahin siya ng mister na noon ay nanunuyo pa lamang sa kanya. Kuha ito sa noontime show na Wowowee kung saan isa si Mariel sa host kung saan kasama niya sina Pokwang, Valerie Concepcion at RR Enriquez.

Read also

Mariel Padilla, nawindang sa kapayatan nya matapos mapanood ang lumang videos nya

Hindi naman maitago ni Mariel ang kanyang kilig habang binabalikan ang panunuyo noon ng kanyang mister. Nakwento niya rin kung bakit napili niyang isuot ang kanyang attire noong panahong iyon kung saan naroroon si Robin sa Wowowee.

Marami din sa kanyang viewers ang kinilig sa video na ito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

My favorite wowowee days , Mariel and Robin ligawan stage! hahah madalas ko pong inuulit ulit panoorin ang ligawan videos nyo mamima at ganon parin ung kilgggggg hahhaha sobraaaaaa tito robin is your forever talaga!
hayssssst kinilig ako kay sir Robin...since bata ako wala ako pinalampas na movies niya kc super idol ko siya tapos after niya lumabas sa kulungan pumunta siya sa university kung saan ako nag aral and first time ko xa makita in person super gwapo and super kilig ako

Read also

Ukrainian actor na nasawi, ibinigay pala ang bulletproof vest sa buhat na bata

Hahaha halatang kinilig SI momshie Mariel pagdating Kay idol Robin

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel