Kristine Hermosa, emosyonal na binahagi kung paano siya binago ng motherhood

Kristine Hermosa, emosyonal na binahagi kung paano siya binago ng motherhood

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Kristine Hermosa sa isang panayam sa kanya ni Boy Abunda

- Ang pagiging ina umano niya ay naging daan upang maapreciate niya ang iba pang mga kagaya niyang ilaw ng tahanan

- Aniya, hindi niya pinagsisihang mas pinili niyang unahin ang kanyang pamilya kesa sa pag-aartista

- Nagiging madali umano ang kanyang pagiging ina dahil mahal niya ang kanyang ginagawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maluha-luhang ibinahagi ni Kristine Hermosa kung paano siya nabago ng pagiging ina niya sa kanyang limang anak. Ang pagiging ina umano niya ay naging daan upang maapreciate niya ang iba pang mga kagaya niyang ilaw ng tahanan.

Kristine Hermosa, emosyonal na binahagi kung paano siya binago ng motherhood
Photo from Oyo Boy Sotto (@osotto)
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ng talk show host na si Boy Abunda, nasabi niya ang pagiging selfless ng pagmamahal ng isang ina.

“Very selfless sila, 'yung pagmamahal nila. Hindi bale nang mawalan sila ng oras for themselves, [basta they could] serve their children,” aniya.

Read also

Sandara Park, kinaaliwan sa kanyang binahaging picture ng tumalsik niyang sapatos

Hindi naman umano nagseselos si Oyo pagdating sa atensiyon niya sa kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Hindi naman Tito Boy kasi alam naman namin ang pinasok namin na once magkaanak kami, it’s a commitment. We just find time na kunyari maluwag, alis kami.”

Aniya, hindi niya pinagsisihang mas pinili niyang unahin ang kanyang pamilya kesa sa pag-aartista. Nagiging mas madali umano ang kanyang pagiging ina dahil mahal niya ang kanyang ginagawa.

“To be honest, hindi naman siya madali. Maraming challenges pero kapag alam mo kasi na 'yun ang gusto mo, kapag mahal mo ang ginagawa mo – I love being a mom and a wife – nagiging madali. Ganun talaga kapag nandoon ang puso mo."

Si Kristine Hermosa ay pangalawa sa apat na magkakapatid. Ang apelyidong kanyang ginagamit ay Hermosa na mula sa kanyang ina.

Read also

Herbert Bautista, humingi ng dispensa kaugnay sa kanyang viral video

Ikinasal siya kay Diether Ocampo noong September 21, 2004 ngunit hindi ito gaanong tumagal matapos itong ma-annul noong January 30, 2009.

Muli siyang ikinasal kay Oyo Boy Sotto noong January 12, 2011 at nabiyayaan ng limang anak.

Kamakailan ay ipinaalam ni Kristine ang tungkol sa isang Facebook account na gumagamit sa kanyang pangalan at litrato. Ipinagbigay-alam niya ito sa mga netizens upang magsilbing babala.

Samantala, ibinahagi din kamakailan ni Kristine ang pagiging maalaga ni Oyo sa kanilang bunsong anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel