TikTok ni Bella Poarch kung saan naisama niya sa post si Joshua Garcia, viral

TikTok ni Bella Poarch kung saan naisama niya sa post si Joshua Garcia, viral

- Viral ngayon ang video ng TikTok Star na si Bella Porch kung saan naisama niya si Joshua Garcia

- Sa video, 'cooking' daw si Bella at ang umano'y nasa isip niya ay ang aktor na si Joshua

- May caption ang TikTok video ng tanong ni Bella na 'Singer ba siya?'

- Matatandaang nito lamang Enero, gulat na gulat si Joshua nang tumabo sa 100 million views ang kauna-unahang TikTok video niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Usap-usapan online ang video ng TikTok star na si Bella Porch kung saan naisama niya sa post si Joshua Garcia.

TikTok ni Bella Porch kung saan naisama niya sa post si Joshua Garcia, viral
Bella Porch at Joshua Garcia (Photo: Bella Porch)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naibahagi ito ni Bella sa kanyang video sharing app noong Abril 14 na may caption na 'Singer ba siya?'

Sa naturang video, makikitang nagluluto si Bella ngunit ang kanya raw umanong naiisip ay si Joshua Garcia habang ito ay naggigitara at kumakanta.

Hindi naman nakawala sa mapagmatiyag na netizens ang background music na ginamit ni Bella na may pamagat na "Love me Back" ni Trinidad Cardona & Robinson.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa Kapamilya Online World, matapos na maibahagi ito ni Bella ay na-follow na rin niya ang Kapamilya actor. Gayundin umano si Joshua na nai-follow na rin si Bella.

Narito ang kabuuan ng TikTok post ni Bella Porch:

Si Bella Porch ay isang TikTok Star na mas lalong sumikat nang malaman ng publiko na isa umano siyang Pilipino. Aliw na aliw ang mga Pinoy tuwing napapanood si Bella na nagsasalita ng Tagalog tulad na lamang ng caption niya post na naisama si Joshua Garcia.

Samantala, nito lamang Enero nang pasukin ng Kapamilya actor ang mundo ng TikTok.

Halos hindi makapaniwala si Joshua nang pumalo sa 100 million ang views ng kauna-unahan niyang TikTok video na marami na rin naman ang nakagawa.

Dahil dito, labis-labis ang kanyang pasasalamat lalo na at padami na rin ng padami ang mga TikTok followers niya.

Mula noon ay pumapalo na talaga ng milyon-milyong views ang kanyang mga videos na siyang nakapukaw ng atensyon maging ni Bella Porch.

Kamakailan, naging maingay ang pangalan ni Joshua dahil sa mga larawan niya kasama ang isang babae na sinasabing isang miyembro ng Ateneo Women's Basketball team.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel