Kampo ni Andrea Brillantes, umalma sa mga fake news na nilalabas ng bashers
- Matapos ang samu't-saring mga isyung binabato sa kanya, umalma ang kampo ni Andrea Brillantes
- Kaugnay ito sa mga fake news na lumalabas at mga tweet na gawa ng mga trolls at bashers niya
- Pinabulaanan din ng kanyang talent agency ang balitang lumabas na tinanggal siya sa listahan ng mga artista sa isang salon dahil hindi naman umano siya endorser doon
- Pinaalalahanan nila ang publiko na maging mapanuri at huwag basta-basta maniniwala sa mga kumakalat sa social media
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Pinabulaanan ng manager ni Andrea Brillantes ang balitang tinanggal ang aktres sa listahan ng mga artista sa isang sikat na salon. Aniya, wala itong katotohanan dahil hindi naman endorser si Andrea sa naturang salon.
Mahigit limang taon na rin umanong hindi kliyente si Andrea sa naturang salon at walang anumang kontrata si Andrea sa kanila.
Pinaalalahanan nila ang publiko na maging mapanuri at huwag basta-basta maniniwala sa mga kumakalat sa social media.
Pinasalamatan din ng kanyang management ang lahat ng kumpanya at brands na patuloy na nagtitiwala at sumusporta sa kanya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matapos ang samu't-saring mga isyung binabato sa kanya, umalma ang kampo ni Andrea. Kaugnay ito sa mga fake news na lumalabas at mga tweet na gawa ng mga trolls at bashers niya.
Nagbigay ng babala ang management ni Andrea sa mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon. Binabantayan umano ito kanilang legal team para maaksyunan ang mapanira at malisyosong mga tweets.
Matatandaang matinding pambabatikos ang dinanas ni Andrea lalo na nang maghayag siya ng kanyang suporta kay VP Leni Robredo. Gayunpaman, sa kabila ng naging resulta ng eleksiyon ay nanindigan ito sa kanyang naging desisyon.
Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.
Samantala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.
Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.
Source: KAMI.com.gh