Herlene Budol, gagawin daw motivation ang pangmamaliit sa kanya

Herlene Budol, gagawin daw motivation ang pangmamaliit sa kanya

- Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Herlene Budol ang isang meme kung saan nakalagay ang kanyang picture

- Aniya, ito umano ang magmo-motivate sa kanya upang lalong magsikap para sa kanyang pagsali sa Bb. Pilipinas pageant

- Sa isang post ay aminado siyang naiyak dahil sa hindi umano niya naintindihan ang English

- Ngunit aniya ay hindi naman nangangahulugang hanggang doon na lamang siya at hindi niya umano pipiliting magsalita ng Ingles

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminado si Herlene "Hipon" Budol na naiyak siya dahil hindi niya umano naintindihan ang English sa kanyang application para sa Binibining Pilipinas. Gayunpaman, aniya ay hindi niya pipiliting magsalita sa wikang Ingles.

Herlene Budol, gagawin daw motivation ang pangmamaliit sa kanya
Herlene 'Hipon' Budol (@herelene_budol)
Source: Instagram

Aniya, Wikang Filipino ang kanyang gagamitin sa kanyang pagsalang. Pinasalamatan niya rin ang mga magaganda at positibong komento sa kanya.

Opo, indi ko po eto ikahihiya naiyak ako dahil sa english. but it doesnt mean hanggang dyan nalang si Hipon girl nyo. Hindi ko pipilitin ang mag-Ingles. Wikang Filipino po ang gagamitin ko.

Read also

Maxine Medina, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This will inspire me to pursue my dreams. Hanggat may buhay may pag-asa! magkalat man ako o indi may Hipon mag tatak sa entablado! Sobra akong na touch sa mga magagandang comment nyo sa akin. Ngayon palang gusto ko mag pasalamat sa buong Hiponatics, KaBudol, KaSquammy, KaFreshness, Kainutz sa supporta nyo sa akin. Taas noo ko isisigaw Herlene Nicole Budol, 22, from Angono Rizal, Felepens!!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Naging laman ng mga balita ang kontrobersiyal na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Read also

Herlene Budol, 'di pa nagagamit ang mamahaling bag at shoes na bigay sa kanya ni Alex Gonzaga

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos.

Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel