Vince Flores, pinagtanggol si "Tatay Elon" kaugnay sa viral na video nila ni Toni Fowler

Vince Flores, pinagtanggol si "Tatay Elon" kaugnay sa viral na video nila ni Toni Fowler

- Sa kanyang nilabas na video, nilinaw ni Vince Flores na hindi niya ugaling makisawsaw sa mga isyu o naging kaaway ni Toni Fowler

- Gayunpaman, aniya ay gusto lamang niyang linawin ang kanyang side lalo na sa mga taong nanghuhusga sa kanya nang makapagsalita na rin siya kay Rob Moya

- Aniya, hindi dapat pagselosan si Tatay Elon dahil sweet lang daw talaga siya sa lahat kaya alam umano niyang walang ibang kahulugan ang pag-akbay nito kay Toni

- Hindi niya rin umano masisisi si Rob dahil hindi nila ito nakakasama sa bahay kaya malamang ay hindi nito alam ang ugali ng ex ni Toni na tatay ni Tyronia Fowler

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Vince Flores, hindi niya ugaling makisawsaw sa isyu. Kahit noong may mga nakaaway si Toni ay hindi umano siya nagsalita ngunit aniya ay gusto lamang niyang linawin ang kanyang side lalo na sa mga taong nanghuhusga sa kanya nang makapagsalita na rin siya kay Rob Moya.

Read also

Awra Briguela, ibinahaging si Vice Ganda na ang manager niya

Vince Flores, pinagtanggol si "Tatay Elon" kaugnay sa viral na video nila ni Toni Fowler
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Nilinaw niyang ang pag-akbay ni Tatay Elon kay Toni ay hindi isyu sa kanila dahil alam umano nila na ganoon talaga ang dating karelasyon ni Toni. maging umano sa kanila sa ToRo family ay ganoon talaga si Elon.

Maging ang asawa ni Elon na si Nanay Venus ay naroroon umano at hindi isyu sa kanila iyon dahil alam nila ang totoo.

Gayunpaman, aniya ay hindi naman niya masisisi si Rob dahil hindi naman nila ito nakakasama sa bahay kaya hindi niya kilala nang lubos si Elon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Pagbati ni Toni Fowler sa kaarawan ni Rob Moya, usap-usapan

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate