Awra Briguela, ibinahaging si Vice Ganda na ang manager niya

Awra Briguela, ibinahaging si Vice Ganda na ang manager niya

- Sa isang panayam kay Awra briguela, inamin niyang isa si Vice Ganda sa kanyang pinapasalamatan

- Ito ay dahil sa gitna ng mga negatibong mga haka-hakang lumabas tungkol sa kanya, isa umano si Vice Ganda sa mga taong hindi nanghusga sa kanya

- Nais niya rin umanong ihingi ng dispensa ang ilang taon na hindi sila nakapag-usap

- Inamin din ni Awra na sa kasalukuyan ay si Vice Ganda na ang kanyang manager

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kabilang si Vice Ganda sa mga taong nais umano pasalamatan ni Awra Briguela dahil siya lang daw ang isang taong nakaintindi sa kanya sa kabila ng mga negatibong isyung lumabas. Inihingi niya rin ng paumanhin ang ilang taon na hindi sila nakapag-usap.

Awra Briguela, ibinahaging si Vice Ganda na ang manager niya
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Inamin din ni Awra na sa kasalukuyan ay si Vice Ganda na ang kanyang manager. Matatandaang isa si Vice sa nagbigay ng atensiyon kay Awra na naging daan upang sumikat pa ito. Bukod kina Coco Martin, isa din si Vice sa gumabay kay Awra sa mundo ng showbiz.

Read also

Ana Jalandoni, isiniwalat ang umano'y pagbabanta sa kanya ni Kit Thompson

Pinasalamatan niya naman si Coco Martin dahil ito ang nagbigay sa kanya ng oportunidad. Ito umano ang nagturo sa kanya ng maraming bagay lalo na sa kanyang ugali pagdating sa trabaho.

Gusto niyang ihingi ng sorry kay Coco na hindi niya natupad ang gusto ni Coco para sa kanya na maging isang versatile actor. Gayunpaman, mas gusto umano ni Awra magperform kaya iyon ang kanyang tinahak na daan sa kanyang career sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Vice Ganda, napa-mura matapos malamang na-prank siya ni Bea Alonzo

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel