Angel Locsin at kapatid na si Angelo, wagi sa Family Cooking Showdown
- Wagi ang magkapatid na sina Angel Locsin at Angelo Colmenares sa Family Cooking Showdown sa YouTube channel ng aktres at mister na si Neil Arce
- Ka-tandem naman ni Neil si Nica, ang girlfriend ng kapatid ni Angel
- Aminadong wala sa kanila ang marunong magluto maging ang aktres na itlog at hotdog lang umano ang kayang iluto
- Lumusot sa panlasa ng judges ang pansit ng magkapatid kahit unang beses pa lang nila ito lutuin
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nanalo ang magkapatid na sina Angel Locsin at Angelo Colmenares sa Family cooking challenge sa The Angel and Neil Channel.
Nalaman ng KAMI na ang nakatunggali ng magkapatid ay si Neil Arce at si Nica na girlfriend naman ng kapatid ni Angel.
Gamit ang 'secret ingredient' nila na chicharong bulaklak, sumubok magluto sina Angel at Angelo ng pansit bihon.
Habang sina Neil at Nica naman ay pork chop na may side dish na mashed potato at chicharong bulaklak.
Sa pagkuha pa lang ng ingredients, kagulo na agad ang magkabilang grupo na pare-pareho umanong hindi marurunong magluto.
Ang aktres, aminadong itlog at hotdog lang ang kayang lutuin habang ang kapatid naman niya ay instant noodles lang ang nailuluto.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Neil naman, minsan nang naisama ang plastic ng hotdog dahilan para masunog ito kaya hindi na ito nagluto kailanman.
Sa average na 78%, nagwagi ang grupo nina Angel na para sa mga first-timer ay nakuha naman nila ang tamang luto ng pansit ayon sa kanilang judges.
Narito ang kabuuan ng makulit na cooking challenge mula sa The Angel and Neil channel:
Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”
Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.
Katunayan, isa si Angel sa tahimik na tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette na tumama sa bansa noong Disyembre 16.
Sa post ni Kris Aquino, nabanggit nito na ipinaabot ni Angel ang donasyon niya na nagkakahalaga ng P2 million kay Vice President Leni Robredo.
Source: KAMI.com.gh