Ricci Rivero, napa-"oo" si Andrea Brillantes na maging girlfriend niya

Ricci Rivero, napa-"oo" si Andrea Brillantes na maging girlfriend niya

- Trending sa social media ang pangalan ni Andrea Brillantes kasunod ng paglabas ng video kung saan nagpropose si Ricci na maging girlfriend si Andrea

- Matapos manalo ang FEU Tamaraws ay tinanong niya ang aktres at pinapili sa dalawang t-shirt na may nakalagay na Yes at No naman sa isa

- Pinili ni Andrea ang T-shirt na mayroong yes na nakalagay at dito na nagsabi ng "I Love You" si Ricci sa kanya

- Matatandaang kamakailan lang nang lumabas ang bali-balitang may namumuong pagtitinginan sa dalawa matapos makita si Andrea na suot ang jersey ni Ricci

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang napa-sana all sa bonggang proposal ni Ricci Rivero kay Andrea Brillantes para maging girlfriend niya. Sa video na lumabas sa social media, makikita si Andrea sa audience at tinanong siya ni Ricci kung pwede ba daw siyang maging girlfriend nito.

Read also

Pagbati ni Toni Fowler sa kaarawan ni Rob Moya, usap-usapan

Ricci Rivero, napa-"oo" si Andrea Brillantes na maging girlfriend niya
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Pinapili si Andrea sa dalawang itim na t-shirt na may nakalagay na Yes at No. Bilang tugon sa tanong ni Ricci, pinili niya at niyakap pa ang t-shirt na may nakalagay na Yes. Kasunod nito ay ang pagsabi ni Ricci ng "I love you" kay Andrea.

Matatandaang kamakailan lang nang lumabas ang bali-balitang may namumuong pagtitinginan sa dalawa matapos makita si Andrea na suot ang jersey ni Ricci. Bago pa ito mangyari ay naging kontrobersiyal ang tambalang Andrea at Seth Fedelin lalo na nang mag-viral ang picture ni Seth kasama si Francine Diaz at ang pamilya ng dalaga.

Naging ugat ito ng pag-aaway ng mga tagasuporta ng dalawa. Kasunod nito ay nilinaw ng kampo ni Francine na walang namamagitan sa kanila ni Seth.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Read also

VP Leni sa isang restaurant matapos ang 2nd presidential debate, viral

Samanatala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.

Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel