Vice Ganda at mga kaibigan, kinaaliwan sa kanilang kulitan
- Sa kanyang bagong vlog, pinakita ni Vice Ganda ang kanyang bonding moment kasama ang mga kaibigang sina Petite at Negi
- Pumunta sila sa isang sikat na resort kung saan matatagpuan ang kainan sa lumalagaslas na tubig
- Kinaaliwan ng netizens at umani ng mga komento ang kulitan ng magkakaibigan bago sila kumain
- Hindi ito ang unang pagkakataon na sinama ni Vice ganda ang kanyang mga kaibigan sa kanyang pamamsyal
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Umani ng komento ang bagong video ni Vice Ganda kung saan sinama niya ang mga kaibigang sina Petite at Negi sa kanyang pamamasyal. Pumunta sila sa isang sikat na resort kung saan matatagpuan ang kainan sa lumalagaslas na tubig.
Bago sila kumain ay masaya ang kanilang kulitan at chikahan. Kagaya ng karaniwan nilang mga biruan kapag nagkakasama sila, napuno ng tawanan ang kanilang kulitan. Marami din ang nakapansin kung gaano inalagaan ni Vice ang mga kaibigan kahit naghaharutan sila.
Narito ang ilan sa komento ng mga viewers:
Vice Ganda cared for Petite. Whe Vice Ganda said "Petite dahan dahan baga mabagok 'yung ulo mo." I feel her concern to Petite and to Negi also.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakakatuwa pag sinasabihan niya "dahan dahan yung ulo mo" kita mo yung care sa mga friends niya
Another fun and amazing vlog! Thank you for this Meme. You and your vlog takes my stress and anxiety away. You really have a way to enter everyone's heart.
Hindi ito ang unang pagkakataon na sinama ni Vice ganda ang kanyang mga kaibigan sa kanyang pamamsyal. Sa katunayan ay dinala niya rin minsan ang mga kaibigan sa kanyang bakasyon kung saan sumakay sila ng yate.
Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.
Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.
Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.
Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.
Source: KAMI.com.gh