Vice Ganda, binayaran ang mga biniling gamot ng mga customers sa isang botika

Vice Ganda, binayaran ang mga biniling gamot ng mga customers sa isang botika

- Sa kanyang pinakabagong vlog episode, minabuti ni Vice Ganda na magpasaya ng mga tao

- Pumili siya ng isang botika kung saan babayaran niya ang mga biniling gamot ng customers mula nang dumating sila doon hanggang sa pagsara ng botika

- Marami sa mga bumibili sa naturang botika ang nabigla ngunit abot-abot ang kanilang kasiyahan sa biyayang binahagi ng TV host

- Ani Vice, hindi sa kanya nanggaling ang biyaya kundi pinadaan lamang daw sa kanya iyon mula sa Panginoon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang natuwa sa ginawa n Vice Ganda kung saan binayaran niya ang mga biniling gamot ng mga customers sa isang botika. Nilibre niya ang mga panggamot ng mga inabutan nilang customers pati yung mga bumili bago magsara ang botika.

Vice Ganda, binayaran ang mga biniling gamot ng mga customers sa isang botika
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Nagtataka man, hindi maitago ng mga customers ang kanilang kasiyahan sa natanggap na biyaya. Kinalaunan ay humarap din si Vice sa mga taong kanyang napasaya sa pamamagitan ng kanyang pagbayad ng kanilang pinamiling gamot.

Read also

Mariel Padilla, pipikit na lang daw pag dumating na ang kanyang credit card bill

Maging ang may-ari ng botika ay natuwa sa kabutihang loob ni Vice dahil aniya, marami talaga sa kasalukuyan ang nahihirapan kahit sa pambili ng gamot. Ani Vice, hindi sa kanya nanggaling ang biyaya kundi pinadaan lamang daw sa kanya iyon mula sa Panginoon.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga viewers ng kanyang vlogs:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

No one can't deny that Vice is one of the most genuine celebrity out there. It's very obvious by the way he speaks and acts around people. He really cares about them and wants to share the blessings that he's receiving.
This melts my heart so much. Who would expect that there are still people who wanted to extend their blessings to those who are in needs. A lot of us suffer because of this pandemic and seeing kindness shared to those who are less fortunate than they are is such an admiration.

Read also

Kristel Fulgar, pinakita ang kanyang sariling recording home studio

This brought me to tears. So far, this is my most fave vlog of you. God bless you more Vice. Sana marami pang katulad mo.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel