Herlene 'Hipon' Budol, hindi inatrasan ang mga hamon ng Beks Battalion sa kanya
- Sa bagong YouTube video ng Beks Battalion, nakasama nila si Herlene Budol na kilala din sa bansag na Hipon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
- Kumasa sila sa challenge na tinawag nilang Di Mo Kaya Challenge kung saan nagsalitan sina Chad, Lassy at MC na magbigay ng mga challenge kay Hipon
- Gayundin, nagbigay din ng kanyang challenge sa kanilang tatlo na hindi din nila inatrasan
- Marami ang naaliw sa nakakatawang kulitan ng mga ito lalo at kilala din si Hipon na palabiro at mahusay magpatawa
Napabilib sina Chad Kinis, Lassy, at MC kay Herlene "Hipon" Budol nang makasama nila ito sa kanilang vlog. Kumasa sila sa challenge na tinawag nilang Di Mo Kaya Challenge kung saan nagsalitan ang Beks Battalion na magbigay ng mga challenge kay Hipon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gayundin, nagbigay din ng kanyang challenge sa kanilang tatlo na hindi din nila inatrasan. Naunang nagbigay ng challenge si Chad. Ang kanyang hamon kay Hipon, makisali ito sa mga lalaking naglalaro ng basketball sa lansangan.
Hindi naging mahirap kay Hipon iyon at nagtanggal pa ito ng bag para makapaglaro siya nang maayos.
Hamon naman ni Hipon kay Chad, ipa-blower ang kanyang wig at subukang iwan ito sa salon. Hindi din ito inatrasan ni Chad.
Si Lassy naman ay nagbigay ng challenge kay Herlene na tumayo sa isang lugar na maraming dumadaan at tatahulan ni Herelene ang mga dumadaang tao.
Panuorin ang kabuuan ng video dito:
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.
Naging laman ng mga balita ang kontrobersiyal na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.
Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos.
Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.
Source: KAMI.com.gh