Madam Inutz, kinaaliwan sa kanyang pakikipagkulitan sa Beks Battalion

Madam Inutz, kinaaliwan sa kanyang pakikipagkulitan sa Beks Battalion

- Kinaaliwan ng mga viewers ang pakikipag-collaboration ni Madam Inutz kasama ang Beks Battalion

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Sumabak sila sa challenge na Never Have I Ever at English Only kung saan napuno ng katatawanan ang kanilang kulitan

- Masayang nakipagsabayan si madam Inutz sa kina Chad Kinis, MC Muaw at Lassy na kilala na sa mundong komedya

- Nakatakda ding mapanuod sa channel ni Madam Inutz ang isa pang video na magkakasama silang apat

Kinaaliwan ng viewers ang YouTube video ng ibinahagi ng Beks Battalion sa kanilang YouTube channel. nakasama nila si Madam Inutz sa pagsabak sa challenge na tinawag nilang Never Have I Ever at English Only.

Madam Inutz, kinaaliwan sa kanyang pakikipagkulitan sa Beks Battalion
Madam Inutz (@Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Kris Aquino, todo ang pasasalamat kay Angel Locsin sa suporta sa kanilang mag-iina

Masayang nakipagsabayan si madam Inutz sa kina Chad Kinis, MC Muaw at Lassy na kilala na sa mundong komedya. Sa katunayan ay nakipagsabayan ito sa mga re-inactment scenes kung saan napurohan niya si Lassy. Agad naman siyang nag-sorry at hindi niya umano iyon sinadya.

Narito ang ilan sa komaneto ng kanilang viewers:

Grabe sobrang Saya.... Tindi ng unang banat ni lassy na inom ako ng tubig lumabas sa Ilong ko ung water sobrang sakit pero OK lang sobrang happy ako sa inyo beks battalion and madam Inutz... Love you all
Wow so proud of you all BEKS BATTALION for being helpful and just being who you all are. Hands down ako kay Queen Lassy for being bubbly, kind, understanding and sweet. With Mama MC for being the mother hen, guardian, caring, feisty but with a soft heart.
Grabe totoong suntok tlaga hehe, nagsama Ang mga makukulit more videos pa para maraming mabawasan Ang stress sa buhay

Read also

Dating Idol Philippines contestant na nakipaglaban sa cancer, pumanaw na

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda.

Lalong dumami ang kanyang tagasubaybay matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media kabilang na ang pagbenta niya ng aniya'y damit na pamburol. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapa-manage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel