Kris Aquino, tapos na sa kanyang ikalawang dose ng XOLAIR infusion

Kris Aquino, tapos na sa kanyang ikalawang dose ng XOLAIR infusion

- Sa kanyang ibinahaging update, sinabi ni Kris Aquino na natapos na ang kanyang ikalawang dose ng XOLAIR

- Kinuhanan umano siya ng bone marrow fluid sa kanyang back pelvic bone para masuri kaugnay sa blood related disorder na siyang naging dahilan ng kanyang pagiging anemic at pagpayat

- Aniya, kaya siya nagbabahagi ng update tungkol sa kanyang kalusugan ay dahil sa kanyang natanggap na suporta at mga dasal

- Hindi umano siya magrereklamo bagkus ay nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil alam niyang pansamantala lang ang sakit at malalampasan niya ang lahat

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Kris Aquino, pakiramdam niya ay karapatan ng kanyang mga tagasuporta na malaman ang tungkol sa kanyang kalusugan dahil sa kanyang natatanggap na pagmamahal at mga dasal mula sa mga ito. kaya naman muli niyang ibinahagi ang kanyang kalagayan matapos ang kanyang second dose ng XOLAIR.

Read also

Kris Aquino, dumadaing ng sakit sa kanyang lower spine dahil sa kapayatan

Kris Aquino, nagbigay ng update kaugnay sa kanyang kalusugan
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Matatandaang ito ang kanyang hinihintay bago siya tuluyang pumunta sa ibang bansa upang magpagamot sakaling maayos naman ang pagtanggap ng kanyang katawan.

Kinuhanan umano siya ng bone marrow fluid sa kanyang back pelvic bone para masuri kaugnay sa blood related disorder na siyang naging dahilan ng kanyang pagiging anemic at weight loss.

Bone marrow "aspiration" for biopsy done by Dr. Francis Lopez (for me, 1 of the most thorough doctors in the il); para wag na tayong malito, kumuha po ng bone marrow fluid from my back pelvic bone. That sample is now being tested to RULE OUT a blood related disorder associated with my weight loss and my being anemic.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mahirap akong maging pasyente, sa dami ng bawal sa'hin, salamat na lang at MAHUSAY si Dr. Henry Lu & his TEAM for pain management.

Read also

Donnalyn Bartolome, pinakita ang panggugulo ng isa sa nabunot para manalo ng house and lot

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailan lang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate