Kris Aquino, dumadaing ng sakit sa kanyang lower spine dahil sa kapayatan

Kris Aquino, dumadaing ng sakit sa kanyang lower spine dahil sa kapayatan

- Sa kanyang binahaging Instagram post, sinabi ni Kris Aquino ang kanyang iniindang sakit

- Ito ay dahil halos buto't balat na lamang siya kaya walang fats sa pagitan ng kanyang buto at kanyang balat

- Masakit umano ang kanyang lower spine dahil sa kanyang buto kaya medyo hirap siyang makahanap ng komportableng pwesto

- Sa gitna ng nararanasang sakit ay nagpapasalamat umano siya sa Panginoon dahil alam umano niyang pansamantala lamang ang sakit na kanyang nararanasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Kris Aquino, masakit ang kanyang lower spine dahil sa kanyang buto. Wala umano siyang fats para hindi tumama ang buto direkta sa kanyang balat.

Kris Aquino, dumadaing ng sakit sa kanyang lower spine dahil sa kapayatan
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Kinailangan niya umanong humanap ng komportableng pwesto upang hindi niya maramdaman ang matinding sakit.

i won't lie to you, there's this parang nabugbog ng bongga feeling in my lower spine BUT apart from my medicinal limitations, halos wala na kasi akong fat to help "CUSHION" my bones... kaya EXAG ang sakit, skin then diretso sa buto. Process & hit or miss para makahanap ng okay na pwesto pag hihiga at kung uupo.

Read also

Kris Aquino, tapos na sa kanyang ikalawang dose ng XOLAIR infusion

Aniya, alam niyang malalagpasan niya rin ito kaya imbes na umangal ay nagpapasalamat siya sa Panginoon. Aniya, alam niyang pansamantala lamang ang kanyang dinaranas na sakit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

i constantly remind myself: To keep thanking God since my current pain is temporary. Malalagpasan rin kaya bawal umangal, maraming mas malala ang pinagdadaanan, at may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat, at patuloy na magdasal.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Read also

VP Leni sa mga fake news: "Yung bagong version, May anak daw ako sa unang asawa"

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailan lang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel