Moira Dela Torre sa vlogger na si Mimiyuuuh; "Parang ang tagal na nating magkakilala"

Moira Dela Torre sa vlogger na si Mimiyuuuh; "Parang ang tagal na nating magkakilala"

- Kasama ng vlogger na si Mimiyuuuh sa masayang vlog si Moira Dela Torre

- Marami umanong fans nila ang natataka kung paano nagkakasundo ang dalawa

- Mahinhin at tila tahimik daw kasi si Moira habang mataas lagi ang energy ni Mimiyuuuh

- Ayon kay Moira, unang beses pa lang niyang nakasama at nakilala si Mimiyuuuh, parang ang tagal na raw nilang magkakilala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling naka-bonding ni Mimiyuuuh sa kanyang vlog ang singer at kanyang friend na si Moira Dela Torre.

Nalaman ng KAMI na habang nagmu-mukbang ang dalawa, sinasagot nila ang ilang katanungan ng kanilang mga fans at subscribers.

Moira Dela Torre sa vlogger na si Mimiyuuuh; "Parang ang tagal na nating magkakilala"
Moira Dela Torre sa vlogger na si Mimiyuuuh; "Parang ang tagal na nating magkakilala"
Source: Facebook

Isa na rito ay kung paano nagkakasundo ang dalawa na tila magkaiba raw ng personalidad.

Kwento ni Moira, parang matagal na raw silang magkakilala ni Mimiyuuuh nang una niya itong makasama.

Read also

VP Leni sa mga fake news: "Yung bagong version, May anak daw ako sa unang asawa"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mimi naman, aminadong natuwa gayung iniidolo raw niya talaga si Moira.

Paliwanag pa nila, inaakala ng marami na tahimik lang si Moira subalit, lumalabas naman daw ang kakulitan nito depende sa sitwasyon at sa kausap.

"Hindi man match yung energy natin, match 'yung soul," paliwanag ni Moira na sinang-ayunan naman agad ni Mimi.

Narito ang kabuuan ng masayang kulitan ng dalawa mula sa YouTube channel ni Mimiyuuuh na mayroon nang 4.3 million subscribers:

Si Moira dela Torre ay isang kilalang singer songwriter sa bansa na nagpasikat ng mga awiting "Malaya", "Tagpuan", at "Ikaw at Ako." Ang awiting Titibo-tibo ay unang nagpasikat sa kanya matapos itong manalo sa Himig Handog 2017.

Kamakailan, matapang na ibinahagi ni Moira ang tungkol sa kanyang mga personal na pinagdaanan sa sarili at maging sa kanyang mga magulang.

Read also

Cristy Fermin, sinabing pera ang dahilan ng hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana

Matatandaang noong isang taon, nag-viral ang video ni Moira kung saan kumakanta ito nang may bitbit na shield.

Sinasabing ito ay bilang pag-iingat ni Moira, dahil sa patuloy na paglaganap ng virus at hindi niya mapo-proteksyunan ang kanyang sarili sa pagsusuot ng mask gayung siya ay kumakanta.

Kaya naman, ang 'shield' ang nagsilbing pananggalang nito at para na rin sa kapakanan ng mga nakakaharap niyang tao.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel