"Knock-knock" ni Kyla tungkol kay VP Leni, bentang-benta sa mga Kakampink

"Knock-knock" ni Kyla tungkol kay VP Leni, bentang-benta sa mga Kakampink

- Tuwang-tuwa ang mga supporters ni presidential candidate Leni Robredo sa 'Knock-knock' ni Kyla

- Si Kyla ay isa sa mga celebrities na umano'y boluntaryong sumama sa People's rally ng grupo ni Robredo sa Bacolod

- Matapos ang kanyang pagkanta, nagbigay ng maiksing mensahe si Kyla para sa mga kapwa niya supporters ni Robredo

- Sa nasabing pagtitipon, naitala ang pinakamataas na bilang ng mga dumalong 'Kakampink' sa lahat ng naidaos na campaign rally ng Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naaliw ang mga supporters ni Vice President at presidential aspirant Leni Robredo sa banat na 'knock-knock' ng singer na si Kyla.

"Knock-knock" ni Kyla tungkol kay VP Leni, bentang-benta sa mga Kakampink
"Knock-knock" ni Kyla tungkol kay VP Leni, bentang-benta sa mga Kakampink (Photo from Paglaum: Negros Occidental People's Rally/ Leni Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano si Kyla sa mga celebrity supporters ni Robredo na boluntaryo umanong sumama sa People's rally nito sa Bacolod.

Matapos magpaunlak ng isang awitin, bahagyang nakipagkwentuhan na si Kyla sa mga 'Kakampink' hanggang sa ibinagsak na niya ang kanyang 'Knock-knock.'

Read also

Dating Comelec commissioner Rowena Guanzon, hayagan ang suporta kay Leni Robredo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"At dahil po diyan, meron akong knock-knock... Knock-knock (who's there) Leni, (Leni who?)" saka niya bahagyang kinanta ang awitin ng The Beatles na "Let it be" kung saan pinalitan niya ang ilang lyrics nito.

Kitang-kita ang tuwa ng mga supporters ng grupo ng 'Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem' sa naisip na ito ni Kyla.

Samantala, ang naturang pagtitipon sa Bacolod ay dinaluhan umano ng 70,000 katao. Ito ang sinasabing 'biggest crowd so far' sa lahat ng mga campaign rally na ginaganap bilang pagsuporta kay Robredo.

Narito ang video na naibahagi rin ng IamAthan.com Facebook page:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Read also

Video ng Leni-Kiko supporters sa Tuguegarao City na humihiyaw ng 'walang solid north', viral

Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.

Samantala, nag-trending din ang unang pag-host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica