Buboy Villar, pinakita ang huling araw na kasama ang anak bago ito dalhin sa Amerika

Buboy Villar, pinakita ang huling araw na kasama ang anak bago ito dalhin sa Amerika

- Ibinahagi ni Buboy Villar ang kanyang bonding moment kasama ang bunsong anak na si George

- Ito ay sa huling araw nito bago siya dalhin sa Amerika sa ina nito na si Angillyn Gorens

- Matatandaang nauna nang dinala doon ang panganay nilang anak na si Vlanz upang ayusin ang dokumento nito para sa citizenship nila

- Ayon kay Buboy, masakit man para sa kanya, titiisin niya ang mapalayo sa mga anak dahil para ito sa kanilang kinabukasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinasyal ni Buboy Villar ang anak na si George Michael isang araw bago ito dalhin sa Amerika. Nakatakda itong dalhin doon sa poder ng dating partner ni Buboy na si Angillyn Gorens para maayos ang para sa citizenship ng kanilang anak.

Buboy Villar, pinakita ang huling araw na kasama ang anak bago ito umalis
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

Dinala ni Buboy sa siang amusement park ang anak upang makapag enjoy ito kasama siya bago tuluyang umalis. Matatandaang nauna nang dinala doon ang panganay na anak nila na si Vlanz.

Read also

Diego Loyzaga, nakasama ang amang si Cesar Montano matapos ang 7 taon

Aminado si Buboy Villar na malulungkot siya na malalayo sa kanya ang anak pero aniya, kakayanin at titiisin niya ito dahil ito naman ay para sa ikabubuti ng dalawang mga anak niya.

Narito ang ilan sa mga komento ng viewers sa kanyang vlog episode:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nice bonding of father and son he will cherish and remeber that till he grows up Sana kahit wala na sila vlanz at George sa Pinas once a while makita pa rin namin sila sa vlog mo Buboy.
Bok i wish you all the best lalo na para sa mga anak mo.. Darating ang araw makakasama din natin ang mga mahal natin sa buhay.
Happy that George's last day with you was something memorable like this. Someday, you will be together again with Vlanz and George and I pray for good. <3

Read also

Sara Duterte sa umano'y 'di pagdalo sa mga debate; "As of the moment, there is no comment"

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.

Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.

Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Nitong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel