Jake Ejercito at Jinggoy Estrada, ginagalang ang pagkakaiba nila ng pananaw sa politika

Jake Ejercito at Jinggoy Estrada, ginagalang ang pagkakaiba nila ng pananaw sa politika

- Sa isang panayam ni Ogie Diaz, aminado ang magkapatid na sina Jake Ejercito at Jinggoy Estrada na magkaiba ang sinusuportahan nilang kandidato pagdating sa pagkapangulo

- Gayunpaman, hindi ito naging dahilan para magkaroon ng di pagkakaunawaan sa kanila dahil nirerespeto umano nila ang paniniwala ng bawat isa

- Kahit minsan daw ay hindi sinabihan ni Sen. Jinggoy si Jake na lumipat sa sinusuportahan nitong kandidato

- Kahit half brothers lang sila ay tunay na kapatid umano ang kanilang turingan maging sa iba pa nilang kapatid

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kung si Jake Ejercito ay taga-suporta ni Vice President Leni Robredo, ang kanyang kapatid na si Sen. Jinggoy Estrada naman ay supporter ni Bongbong Marcos. Kahit magkaiba ang kanilang sinusuportahan ay hindi ito nakaapekto sa kanila.

Jake Ejercito at Jinggoy Estrada, ginagalang ang pagkakaiba nila ng pananaw sa politika
Jake Ejercito (@unoemilio)
Source: Instagram

Ani Sen. Jinggoy, hindi naman kailangan mag-away-away dahil pare-parehos lang naman daw na hangad ay para sa ikabubuti ng bansa.

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

Nabanggit din ni Sen. Jinggoy na hindi niya kailanman kinumbinsi ang kanyang kapatid na lumipat sa kanyang sinusuportahang presidente dahil iginagalang niya umano ang paniniwala nito.

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa closeness ng magkapatid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ganda ng interview very inspiring, open minded sila. Ganito dapat mindset ng lahat ng mga tao especially s politics kahit magkaiba ng sinusuportahan kandidato ang isang pamilya hindi nawawala ang respeto sa isat isa.
I enjoy watching them, I love the way they respect each other lalo na sa mga sinusuportahang kandidato
Nag enjoy ako sa episode na ito Mama Ogie...ganyan sana lahat ng mga Pilipino kahit mag kakaiba ang gustong kandidato ay walang mag aaway at siraan. Magandang halimbawa ang magkapatid na ESTRADA... thank you po. Keep safe everyone and god bless us all.

Read also

Toni Fowler, binuweltahan ang mga netizens na pumuna sa kanyang pagpaparetoke

Si Jake Ejercito o Juan Emilio Ejercito sa tunay na buhay ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez. Siya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Kasama siya sa seryeng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya.

Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon.

Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel