Karen Davila sa panayam niya kay Madam Inutz: "One of the most memorable interviews"

Karen Davila sa panayam niya kay Madam Inutz: "One of the most memorable interviews"

- Aminado si Karen Davila na namangha siya sa kwento ng buhay ni Madam Inutz

- Sa kabila kasi ng pagiging palamura nito sa kanyang online selling, ganoon naman kalambot ang kanyang puso lalo na pagdating sa kanyang pamilya

- Aniya, isa sa mga hindi niya malilimutang interview ang panayam niyang ito kay Madam Inutz

- Humanga rin siya sa pagiging totoong tao nito na kanyang napag-alaman sa makabuluhan nilang pag-uusap

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nilrawan ni Karen Davila na "One of the most memorable interviews I've ever done" ang panayam niya kay Madam Inutz.

Nalaman ng KAMI na mismong si Karen ang sumadya at nagtungo sa tahanan ni Madam Inutz kung saan niya nakita ang sitwasyon nito.

Karen Davila sa panayam niya kay Madam Inutz: "One of the most memorable interviews"
Karen Davila sa panayam niya kay Madam Inutz: "One of the most memorable interviews"
Source: Facebook

Aminado si Karen na namangha siya sa kwento ng buhay ng celebrity online seller na sa kabila ng pagiging palamura nito sa kanyang live selling ay hindi naman matatawaran ang kabutihan ng puso nito lalo na sa kanyang pamilya.

Read also

Karen Davila, pinakyaw ang mga paninda ni Madam Inutz sa halagang nasa Php10,000

Ipinakita rin ni Madam ang lagay ng kanyang ina na noo'y naikwento na niya na ilang taon nang na-stroke ngunit ngayon, dala ng mga therapy, bumubuti na ang lagay nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa kanyang mga nasaksihan at mga naikwento sa kanya ni Madam, humanga siya rito lalo na sa pagiging totoong tao nito.

"Sa totoo lang, noong makakahalubilo ko si Madam Inutz, I didn't know what I was expecting"

"Totoong tao kasi siya. If there is one thing that we can all learn from her story is this, we can't judge a person by simply what we see and what they choose to let us see," paliwanag ni Karen.

Narito ang kabuuan ng panayam niya kay Madam Inutz:

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Read also

Suki ng beauty contest sa Saudi, isa na ngayong transman

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Samantala, si Madam Inutz naman ay unang nakilala sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta online. Sa kabila nito marami ang naging viewers at followers niya sa social media na naging daan para siya ay makilala ng manager na si Wilbert Tolentino.

Una niyang naging proyekto ang pagpasok sa Pinoy Big Brother kung saan naging bahagi siya ng Final 5. Nang makalabas sa bahay ni Kuya, sunod-sunod pa rin ang mga proyekto ni Madam kabilang na ang recording ng kanyang mga kanta gayundin ng music video nito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica