Xian Gaza, binigyan ng trabaho si Xander Ford na humingi ng tulong sa kanya kamakailan

Xian Gaza, binigyan ng trabaho si Xander Ford na humingi ng tulong sa kanya kamakailan

- Ibinahagi ni Xian Gaza na binigyan na niya umano ng trabaho si Xander Ford

- Matatandaang kamakailan ay humingi ito ng tulong sa kanya nagbabaka sakaling may trabahong maaring ibigay sa kanya

- Nagbiro man si Xian na dadalhin umano niya sa Ukraine si Xander, binigyan pa rin niya ito ng mapapagkakitaan

- Kamakailan ay gumawa sng ingay si Xian sa social media matapos ang sunod-sunod niyang mga pasabog sa ilang celebrity couples

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang pinakabagong Facebook post, ibinahagi ni Xian Gaza na nabigyan na niya umano ng trabaho si Marlou Arizala o mas kilala bilang si Xander Ford.

Xian Gaza, binigyan ng trabaho si Xander Ford na humingi ng tulong sa kanya kamakailan
Xian Gaza, binigyan ng trabaho si Xander Ford na humingi ng tulong sa kanya kamakailan (Photo from Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ipinakita ni Xian ang palitan nila ng test ni Xander patungkol sa trabahong ibibigay niya rito.

Katunayan, binigyan na niya ito ng paunang sahod. Matatandaang humingi ng tulong si Xander kay Xian kamakailan sa pagbabakasakaling mabigyan siya nito ng pagkakakitaan.

Ayon kay Xian, simple lamang ang gagawin ni Xander bilang "Messenger relations Officer."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, si Xander ang sasagot sa mga mensaheng ipinadadala sa kanyang boss Xian lalo na kung ito ay offline at nagpapahinga.

Biro man ito o katotohanan, tila hindi matiis ni Xian na hindi tulungan si Xander lalo na at alam niyang naghihikahos ito at nangangailangan ng trabaho.

Si Christian Albert "Xian" Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para magkape.

Matapos ito, gumawa muli siya ng ingay sa social media nang madawit bilang isang umanong scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag-piyansa. Sa ngayon, sinasabing nasa ibang bansa ito at mayroong sariling negosyo.

Samantala, marami pa rin naman ang humanga sa kanya dahil sa pagtulong niya sa isang lalaking nahuling nagnakaw ng diaper.

Kamakailan, muling gumawa ng ingay sa socmed si Xian dahil sa sunod-sunod nitong mga pasabog patungkol sa mga celebrity couples.

Tila mabilis ang mga scoop ni Xian at nalalaman umano niya ang dahilan ng mga hiwalayan ng ilang kilalang showbiz couple kamakailan.

Isa na rito ang ay hiwalayang Barbie Imperial at Diego Loyzaga na kamakailan lang kinumpirma ng aktres habang noong nakaraang taon ay unti-unti nang nagbibigay ng detalye si Xina ukol dito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel