Ivana Alawi, pumalo na sa 15 million ang subscribers sa kanyang YouTube channel

Ivana Alawi, pumalo na sa 15 million ang subscribers sa kanyang YouTube channel

- Umabot na sa 15 million ang subscribers ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel

- Sa kanyang Instagram post, binati niya ang mga subscribers na patuloy na dumarami

- Kamakailan, inanunsyo rin ni Ivana ang pagiging CEO niya ng sariling skin care products

- Naikwento rin niyang minsan din siyang naging isang online seller

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pumalo na sa 15 million ang YouTube subscribers ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel.

Nalaman ng KAMI na sa masaya niya itong inanunsyo sa kanyang pasabog na Instagram post ngayong Pebrero 24.

Ivana Alawi, pumalo na sa 15 million ang subscribers sa kanyang YouTube channel
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram
"Happy 15 MILLION SUBSCRIBERS on Youtube!!!"

Talagang sunod-sunod ang biyaya kay Ivana na kamakailan lang ay isinapubliko na ang pagiging CEO ng sarili niyang skin care products.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Megan Young, saksi lamang sa mga break-ups na nangyayari sa beauty pageant

Sa kanyang pinakahuling vlog, inspirasyon ang hatid ng kwento ni Ivana kung saan naibahagi niyang minsan na rin pala siyang naging online seller.

Malapit sa puso niya ang mga online seller kaya naman ibinukas niya sa publiko ang pagiging reseller ng kanyang mga produkto.

"Meron akong kwento sa inyo na very very quick lang. So isa akong online seller dati. Naging malapit talaga sa puso ko ang mga online sellers. Nagbebenta ako ng mga damit, so I really wanted to open this business to other online sellers para mabigyan din ng chance na kumita,"
"I don't look at it as resellers or distributors, I call it part of the family, part kayo ng Ivana Skin family and you are a part of our family," pahayag ni Ivana.

Todo suporta rin sa kanya ang kanyang Alawi family na lahat umano ay sumubok sa produkto ni Ivana upang masiguro na maganda ang resulta ng mga ito.

Read also

VP Leni Robredo, ibinahagi ang lumang video clip ng mister; "My most important endorsement"

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 15 million ang kanyang YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel