Erich Gonzales, 18 taon nang Kapamilya; pumirma uli ng kontrata sa ABS-CBN

Erich Gonzales, 18 taon nang Kapamilya; pumirma uli ng kontrata sa ABS-CBN

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Erich Gonzales ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN

- Ito ay matapos niyang mag-renew ng kontrata sa loob ng 18 taon niya bilang isang Kapamilya

- Kapansin-pansin din na limitado lamang ang maaring magkomento sa kanyang binahaging IG post

- Matatandaang usap-usapan pa rin sa kasalukuyan ang lumabas na balitang nakatakda siyang ikasal sa napapabalitang kasintahan niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa gitna ng mga lumabas na balitang nakatakda siyang ikasal sa kanyang boyfriend, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Erich Gonzales. Gayunpaman, ibinahagi niya sa Instagram ang ilang pictures na kuha sa kanyang pag-renew ng kontrata sa ABS-CBN.

Erich Gonzales, 18 taon nang Kapamilya; pumirma uli ng kontrata sa ABS-CBN
Photo from Erich Gonzales (@erichgg)
Source: Instagram

Pinasalamatan ni Erich ang kanyang mother network na naging tahanan niya sa loob ng 18 taon. Pinasalamatan niya rin ang Star Magic.

Thank you ABSCBN for all the opportunities that you have given me. This is my 18th year as a Kapamilya and I’m grateful for everything.

Read also

Marriage banns ni Erich Gonzales at Mateo Lorenzo, usap-usapan sa social media

Thank you Star Magic for the love, guidance and support. Maraming salamat po. #KapamilyaStrong2022

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang usap-usapan pa rin sa kasalukuyan ang lumabas na balitang nakatakda siyang ikasal sa napapabalitang kasintahan niya. Ito ay matapos mamataan ng netizens ang nilabas na wedding banns sa isang simbahan kamakailan. Base sa nilabas na picture ng nakapaskil na marriage banns, nakatakda ang kanilang pag-iisang dibdib ngayong Marso 23, 2022. Ang banns ay public announcement sa Christian parish church para maiwasan ang pagkakaroon ng invalid na kasal

Ito ay sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City. Wala pang pormal na pahayag ang aktres kaugnay sa lumabas na balita. gayunpaman, marami sa kanyang mga tagahanga ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan para sa aktres:

Kapansin-pansin din na limitado lamang ang maaring magkomento sa kanyang binahaging IG post.

Read also

Ina ng Maguad siblings, ibinahagi ang nasabi ng suspek; "Di ba hindi naman ako makukulong"

Huling napanood si Erich sa teleseryeng La Vida Lena. Ginawa niya rin ang seryeng The Blood Sisters noong taong 2018. Isa siya sa unang napisil na maging kontrabida sa Love Thy Woman kasama si Kim Chiu at Xian Lim ngunit umatras siya at pinalitan ni Yam Concepcion.

Kamakailan ay hindi napigilan ni Erich na maiyak habang kausap ang kanyang pamilya. Marami din ang humanga sa kanya nang ibahagi niya ang kanyang simpleng pamumuhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel