Marriage banns ni Erich Gonzales at Mateo Lorenzo, usap-usapan sa social media

Marriage banns ni Erich Gonzales at Mateo Lorenzo, usap-usapan sa social media

- Usap-usapan ngayon ang lumabas na picture ng marriage banns ng aktres na si Erich Gonzales at ng napapbalitang karelasyon nito na si Mateo Lorenzo

- Base sa nilabas na picture ng nakapaskil na marriage banns, nakatakda ang kanilang pag-iisang dibdib ngayong Marso 23, 2022

- Ito ay sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City

- Ang banns ay public announcement sa Christian parish church para maiwasan ang pagkakaroon ng invalid na kasal

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang picture ng marraige banns ni Erich Gonzales at ng kanyang napapabalitang boyfriend na si Mateo Lorenzo ang kumakalat ngayon sa social media. Base sa nilabas na picture ng nakapaskil na marriage banns, nakatakda ang kanilang pag-iisang dibdib ngayong Marso 23, 2022.

Marriage banns ni Erich Gonzales at Mateo Lorenzo, usap-usapan sa social media
Photo from Erich Gonzales (@erichgg)
Source: Instagram

Ito ay sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City. Wala pang pormal na pahayag ang aktres kaugnay sa lumabas na balita. gayunpaman, marami sa kanyang mga tagahanga ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan para sa aktres:

Read also

Kim Chiu, nawindang matapos mapunit ang Chanel niyang sombrero

Ang low key nilang dalawa. Hindi mapost sa social media. Good job. Congrats! Sa ganito talaga nagkakabistuhan din eh. Kasi kailangan ipaskil at i-announce yan basta church wedding.
In fairness gusto ko sila. Hindi sila kagaya ng iba na papansin sa social media. Low-key lang sila kaya lang wala talagang maitatago dahil sa banns. Happy for you Erich! Congratulations! Gosh inunahan nyo naman mag announce itong mga maritess talaga. Congrats Erich.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Huwaw. Iba talaga kapag maganda, nakakapili ng mapapangasawa. Sene ell neleng. She probably met him thru the Barrettos when she was still close with Julia. The guy is the brother of Claudia Barretto's boyfriend, Basti Lorenzo. Not sure tho if si Claudia pa and Basti until now.

Huling napanood si Erich sa teleseryeng La Vida Lena. Ginawa niya rin ang seryeng The Blood Sisters noong taong 2018. Isa siya sa unang napisil na maging kontrabida sa Love Thy Woman kasama si Kim Chiu at Xian Lim ngunit umatras siya at pinalitan ni Yam Concepcion.

Kamakailan ay hindi napigilan ni Erich na maiyak habang kausap ang kanyang pamilya. Marami din ang humanga sa kanya nang ibahagi niya ang kanyang simpleng pamumuhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel