Amy Perez, sumabak bilang kasambahay for a day ni Dra. Vicki belo

Amy Perez, sumabak bilang kasambahay for a day ni Dra. Vicki belo

- Sa kanyang bagong vlog, kumasa si Amy Perez bilang kasambahay ng Pamilya Belo sa loob ng isang araw

- Bukod sa personal itong nagsilbi sa mag-asawang Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, nagsuot din ito ng uniform kagaya ng mga suot ng kasambahay nila Dra. Belo

- Nakausap din ni Amy ang isa sa mga kasambahay at ibinahagi nito kung gaano kabuti sa kanila ang kanilang amo

- Naiyak ito nang ikwento niyang si Dra. Vicki Belo ang gumastos at sumagot sa kanyang panganganak noong nakaraang taon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bilang matagal nang kakilala at kaibigan ni Dra. Vicki belo, buong pagmamalaking ibinahagi ni Amy Perez kung gaano kabait ang celebrity doctor. Sa kanyang bagong vlog, kumasa si Tyang Amy bilang kasambahay ng Pamilya Belo sa loob ng isang araw.

Amy Perez, sumabak bilang kasambahay for a day ni Dra. Vicki belo
HOLLYWOOD, CA - MAY 09: Doctor Vicki Belo arrives at "The Road" Los Angeles Special Screening at ArcLight Hollywood on May 9, 2012 in Hollywood, California. (Photo by Paul Redmond/WireImage)
Source: Getty Images

Bukod sa personal itong nagsilbi sa mag-asawang Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, nagsuot din ito ng uniform kagaya ng mga suot ng kasambahay nila Dra. Belo.

Read also

AJ Raval, pinusuan ang komento ng netizen na idiniin na si Kylie Padilla ang legal wife

Ayon kay Tyang Amy, matagal na niyang kakilala at kaibigan si Dra. Belo at maging siya ay saksi kung gaano ito ka bait.

Nakausap din ni Amy ang isa sa mga kasambahay at ibinahagi nito kung gaano kabuti sa kanila ang kanilang amo. Naiyak ito nang ikwento niyang si Dra. Vicki Belo ang gumastos at sumagot sa kanyang panganganak noong nakaraang taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento pa niya, limang taon na siyang naninilbihan sa mga Belo. Madalas umano silang tulungan ng kanilang amo sa tuwing may problema sila maging ito ay tungkol sa pinansiyal na usapin.

Si Victoria Gonzales Belo, o mas kilala sa ng publiko kanyang screen name na Vicki Belo, ay isa sa mga pinakatanyag na dermatologists at cosmetic surgeons sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa medikal na larangan, si doktora Belo ay isa ring aktibong lector sa iba’t ibang organisasyon sa larangan ng cosmetic surgery.

Read also

Angeline Quinto, nag-jowa reveal sa kanyang maternity photoshoot

Naging bahagi rin ang doktora ng ilang Pinoy movies gaya ng Beauty in a Bottle, Rakenrol, at Sosy Problems.

Nagdiwang siya ng kanyang ika-65 na kaarawan noong Enero. Sa kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang asawa, ilang throwback pictures naman ang ibinahagi ni Hayden Kho.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel