Wilma Doesnt, ibinahagi ang prenuptial pictures nila ni Gerick Parin
- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Wilma Doesnt ang ilan sa mga prenup photos nila ng kanyang fiance
- Base sa nilagay na lokasyon ni Wilma, kinuhanan iyon sa Camp Agos sa Daraitan sa Tanay, Rizal
- Isa-isang pinasalamatan ni Wilma ang lahat ng mga taong tumulong para sa kanilang photoshoot
- Kwela din ang hashtag na ginamit ni WIlma na #itDoesntmatterikawParin na hango sa apelyido nilang magkasintahan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ayon kay Wilma Doesnt, 15 taon niyang hinintay bago siya nagkaroon ng magagandang prenup photos. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Wilma Doesnt ang ilan sa mga prenup photos nila ng kanyang fiance na si Gerick Parin.

Source: Instagram
Kuha ang kanilang prenup photos sa Camp Agos sa Daraitan sa Tanay, Rizal. Sa kanyang post, inisa-isang pinasalamatan ni Wilma ang mga taong tumulong sa kanila:
appy friday!!!!oh diba!!!finally!!!may maganda na kaming picture together na hindi ako basa!!!may mailalagay na ako sa wallet ko!!!15yrs ang hinintay ko para sa pic na ito noh!!!!!salamat sa lahat ng tumulong sa amin.
Photo-Chuckie Jude Samonte Zabella salamat sa walang sawa mong pagpapa akyat sa akin sa mga bati.model ako ha,hindi rock climber!!!!
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Video-Forevermine Wedding Films na feeling nya ung mga bato ay patag para patakbuhin kami ng naka paa!!
Stylist-Omar Sali na sana ang gusto nmin ni bebelub ay simple at shorts lang..but no!!!ikaw na ang nag decision kya wala kami choice!!
Make up artist-Ray Bien Gonzaga Maglonzo salamat sa napaka raming chika at konting make up!!!!waaaaa
Hairstylist-@keigh dones salamat sa patubig mo sa buhok ko!!
Coordination-@momentsbyruffa salamat sa pinadala mo masaya sila at nakatulog ng maayos!!!!

Read also
Aljur Abrenica, nilinaw na kumain at nagbihis lang sila ni AJ Raval sa hotel ‘to freshen up’
Kwela din ang hashtag na ginamit ni WIlma na #itDoesntmatterikawParin na hango sa apelyido nilang magkasintahan.
Si Wilma Doesnt ay isang kilalang komedyante at aktres sa Pilipinas. Ilan sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Sisterakas (2012), Beauty and the Bestie (2015) at Magikland (2020).
Kamakailan ay naging usap-usapan ang beach outing nila kasama ang kaibigan niyang si John Lloyd Cruz bago pa man ito tuluyang nagbalik sa showbiz.
Nag-viral din ang prom look ng kanyang anak.
Nito lamang Hulyo, masaya nilang inanunsyo ng kanyang nobyo na si Gerick Livelo Parin ang kanilang engagement. Natuwa ang mga netizens lalo na nang sabihin niyang 'forever' na siyang Doesnt dahil sa oras na sila'y ikasal ng nobyo, "Wilma Doesnt Parin" ang kanyang pangalan.
Source: KAMI.com.gh