Aljur Abrenica, nilinaw na kumain at nagbihis lang sila ni AJ Raval sa hotel ‘to freshen up’

Aljur Abrenica, nilinaw na kumain at nagbihis lang sila ni AJ Raval sa hotel ‘to freshen up’

- Nilinaw ni Aljur Abrenica na trabaho ang dahilan kung bakit nasa Leyte siya noong February 14

- Parehas umano silang naimbitahn ni AJ Raval ng cooperative at kumain lamang umano sila sa resort kung saan sila namataan

- Nagbihis na rin sila sa naturang resort para umano mag-'freshen up' taliwas sa mga lumabas na malisyosong balita

- Maging si AJ ay nagbahagi ng post kung saan makikita sila ni Aljur na naging bahagi ng ribbon cutting ng isang radio station

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang mga lumabas na espikulasyon, nilinaw ni Aljur Abrenica na trabaho ang dahilan kung bakit sila magkasama ni AJ Raval nitong nakaraang Valentines Day. Parehas lang umano silang naimbitahan kaya sila magkasama sa mga lumabas na viral pictures.

Aljur Abrenica, nilinaw na kumain at nagbihis lang sila ni AJ sa hotel ‘to freshen up’
Aljur Abrenica (@ajabrenica)
Source: Instagram

Sa ulat ng Balita.net.ph, sinabi ni Aljur na kumain at nagbihis lamang sila ni AJ sa resort para maghanda na sa kanilang show.

Read also

73-anyos na call center agent, nagtrabaho para maibsan ang lungkot sa pumanaw na misis

“We were invited sa cooperatives… sa may Leyte. Trabaho yun e. Pupunta ako. Kumain lang kami doon [sa resort]. Tapos nagbihis lang to freshen up para sa show. Tapos, siyempre, Valentine’s, nagkataon lang, tapos picture. Tapos, ang dating parang ilang araw kami doon,”

Maging si AJ ay nagbahagi ng post mula sa ‘Don Orestes Romualdez Electric Cooperative, Inc.’ o DORELCO sa kanyang Facebook page kung saan makikita ang mga pictures nila ni Aljur na naging bahagi ng ribbon cutting ng isang radio station.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging usap-usapan ang paglabas ng pictures ng dalawa nitong nakaraang February 14.

Si Aljur Abrenica ay isang Pinoy na aktor na unang nakilala matapos siyang sumali sa fourth season ng reality talent search ng GMA-7 na StarStruck. Naipareha siya sa kanyang kasabayan sa Starstruck na si Kris Bernal.

Read also

Glaiza de Castro, kinasal na kay David Rainey noong October 2021

Ikinasal siya kay Kylie Padilla at nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl.

Matatandaang nag-ugat ang paglabas ng bali-balitang may problema ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na halos burado na sa Instagram ni Kylie ang mga litrato ni Aljur. Marami din sa kanyang post ang tila may kaugnayan sa pinagdadaanan nila ni Aljur.

Kasunod nito ay napawi ang pangamba ng kanilang fans matapos ibahagi ni Kylie ang isang litrato kung saan kasama ni Aljur ang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel