Chie Filomeno, makulit na sinagot ang komento sa kanya ni Xian Gaza

Chie Filomeno, makulit na sinagot ang komento sa kanya ni Xian Gaza

- May makulit na reply si Chie Filomeno sa komento sa kanya ni Xian Gaza

- Sa post ni Chie noong Pebrero 17, napakomento umano sa kanya si Xian ng "You look gorgeous"

- Bukod pa rito, tahasang sinabi ni Xian na tila bagay daw sila ni Chie

- Sa bagong post naman ni Xian, inaya niya na mag-vlog si Chie sa Maldives

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naaliw sa reply ni Chie Filomeno sa komento sa kanya ni Xian Gaza noong Pebrero 17.

Nalaman ng KAMI na napa-comment si Xian ng "You look gorgeous" sa isang post ni Chie kung saan nakasuot siya ng pink.

Sinundan pa niya ito ng "I think bagay tayo". Agad naman itong napansin ni Chie at makalipas lamang ang ilang minuto ay nagkomento na rin ito.

Read also

Megan Young, saksi lamang sa mga break-ups na nangyayari sa beauty pageant

Chie Filomeno, makulit na sinagot ang komento sa kanya ni Xian Gaza
Chie Filomeno, makulit na sinagot ang komento sa kanya ni Xian Gaza
Source: Facebook

"Christian Albert Gaza, taraaay! Ang daming sa tingin mo na bagay sayo ah. Ibaaaa, lodi! Nyeam," ang makulit na reply ni Chie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naibahagi rin ito ni Xian sa kanya namang post kung saan inaya niya si Chie na mag-vlog sa Maldives.

"Chie Filomeno busy ka ba next month? Baka pwede tayong mag-vlog sa Maldives. Tamang quality content lang for our beloved followers. Thanks."

Narito ang kabuuan ng post:

Si Christian Albert "Xian" Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para magkape.

Matapos ito, gumawa muli siya ng ingay sa social media nang madawit bilang isang umanong scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag-piyansa. Sa ngayon, sinasabing nasa ibang bansa ito at abala rin sa kanyang mga negosyo.

Read also

Video ni Xian Gaza na umiiyak kasunod ng balitang ikakasal na si Erich Gonzales, viral

Gayunpaman, marami pa rin naman ang humanga sa kanya dahil sa pagtulong niya sa isang lalaking nahuling nagnakaw ng diaper.

Kamakailan, sinabi nitong ayaw umano niyang makipagplastikan at handa umano siyang tumanggap ng Php250,000. Isa lamang ito sa matatapang na pahayag na nabitawan ni Xian Gaza patungkol sa umano'y tatanggap ng nasabing halaga lalo na para raw ito sa kanyang mga mahal sa buhay.

Isa rin sa ingay na kanyang nagawa kamakailan ay ang kumpirmasyong hiwalay na talaga sina Barbie Imperial at si Diego Loyzaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel