Video ni Xian Gaza na umiiyak kasunod ng balitang ikakasal na si Erich Gonzales, viral

Video ni Xian Gaza na umiiyak kasunod ng balitang ikakasal na si Erich Gonzales, viral

- Matapos mag-viral ang balitang engaged na ang aktres na si Erich Gonzales, marami ang nag-tag kay Xian Gaza sa mga post tungkol dito

- Kasunod nito ay ang paglabas ng video ni Xian na umiiyak at kanya din itong ibinahagi sa kanyang Facebook page

- Sa isang post pa ay sinabi ni Xian na masaya siya para kay Erich at tinanong pa ang pangalan ng fiancé ng aktres para umano maipa-billboard niya ito

- Matatandaang unang nakilala at lumikha ng ingay si Xian sa kanyang billboard coffee date proposal kay Erich

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan ngayon ang video ni Xian Gaza na tila umiiyak. Kasunod ito ng balitang ikakasal na si Erich Gonzales sa kanyang fiancé na si Mateo Lorenzo.

Video ni Xian Gaza na umiiyak kasunod ng balitang ikakasal na si Erich Gonzales, viral
Picture from Christian Albert Gaza
Source: Facebook

Sa isang post pa ay sinabi ni Xian na masaya siya para kay Erich at tinanong pa ang pangalan ng fiancé ng aktres para umano maipa-billboard niya ito.

Read also

Alex Gonzaga sa umano'y mga pamba-bash sa kapatid na si Toni; "Matapang talaga ate ko"

Erich Gonzales totoo ba ang tsismis na ikakasal ka na? Hehe. Masaya ako para sayo. Ano pala name ng fiancé mo? Pa-billboard ko kayo.

Matatandaang unang nakilala at lumikha ng ingay si Xian sa kanyang billboard coffee date proposal kay Erich.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang nakakaaliw na komento ng netizens sa pabirong reaksiyon ni Xian kaugnay dito:

Ok lang yan Mars.. d Bali wasak puso mo..Importante at mahalaga .. Millionaire este billionaire Kana
Kung nag patubo ka ng balbas boss d sana ikaw na ikakasal ngayon sknya
Inaamin ko noon na minahal na kita,pero ngayon binabawi ko na Christian Albert Gaza

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapagpiyansa at kasalukuyang nasa ibang bansa at mayroon nang sariling negosyo.

Read also

Chie Filomeno, makulit na sinagot ang komento sa kanya ni Xian Gaza

Ang pagtulong niya sa lalaking nahuling nagnakaw ng diaper ay umani ng reaksiyon mula sa mga netizens.

Muling naging laman ng balita si Xian dahil sa panibago niyang pakulo na billboard proposal para makasama sa isang dinner date si Jennie na miyembro ng K-pop group na Blackpink.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel