André Brouillette, nagtatrabaho bilang isang bartender sa Hawaii

André Brouillette, nagtatrabaho bilang isang bartender sa Hawaii

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni André Brouillette ang kanyang picture na kuha sa isang resort sa Hawaii

- Base sa kanyang ibinahaging picture sa social media, nagtatrabaho ito bilang isang bartender doon

- Ilang Pinoy naman ang nakakita kay Andre sa naturang resort, base sa comment ng ilan sa kanyang mga followers

- Matatandaang naging laman ng mga balita si Andre nang ma-link kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo dahil sa kanilang closeness sa Amerika

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Buong pagmamalaking ibinahagi ni André Brouillette ang kanyang kasalukuyang trabaho sa Hawaii. Base sa ibinahagi niyang litrato at maging sa mga komento sa kanyang post, nagtatrabaho ito bilang isang bar tender sa isang resort.

André Brouillette, nagtatrabaho bilang isang bartender sa Hawaii
Photo from André Brouillette (@andrebrouillette)
Source: Instagram

Ilang Pinoy naman ang nakakita kay Andre sa naturang resort, base sa comment ng ilan sa kanyang mga followers.

Isa-isa din sinagot ni Andre ang tila mga order ng mga netizens na mga drinks sa kanya sa pamamagitan ng comment section.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noong Enero nang nakaraan taon ay isinapubliko nina Lou at Andre sa pamamagitan ng isang IG post ang tungkol sa kanilang paghihiwalay.

“I’m saddened to say this but recently, Lou and I have come to mutual understanding to move on from being a couple. We realize we’re going on different journeys in our lives and no matter how hard we tried to make it work, it isn’t meant to be.'

Pinasalamatan ng dalawa ang lahat ng sumuporta sa kanila mula nang mabuo ang kanilang tambalan sa loob ng Pinoy Big Brother house.

“Thank you everyone for being so supportive to us along the way. We really did try our best, and it saddens us to come to this realization. Your love and support helped us keep going countless times. We ought it to you guys to be honest about this,”

Si André Brouillette, ay ipinanganak noong ika-6 ng Mayo 1997 sa Hilo, Hawaii. Isa siyang Modelo na minsang naninirahan sa Pilipinas ngunit sa kasalukuyan ay nasa Hawaii ito. Siya ay isa sa mga naging housemates sa Pinoy Big Brother: Otso, kung saan nasungkit niya ang ikaapat na puwesto kasama sila Yamyam Gucong, Lou Yanong, Fumiya Sankai at Kiara Takahashi.

Matatandaang naging usap-usapan ang lumabas na pictures ni Andre kasama si Rabiya Mateo. Gayunpaman, nilinaw ni Adre na walang namamagitan sa kanila ng beauty queen.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel