Chie Filomeno, nag-tweet ng makahulugang mensahe tungkol sa karma

Chie Filomeno, nag-tweet ng makahulugang mensahe tungkol sa karma

- Marami ang nakapansin sa makahulugang mensahe ni Chie Filomeno tungkol sa karma

- Wala naman itong binanggit na pangalan ngunit patungkol ito sa isang taong aniya'y binalikan ng karma

- Marami naman sa mga netizens ang nagbanggit pa ng pangalan at Twitter handle ni Dawn Chang sa naturang tweet ni Chie

- Matatandaang naging usap-usapan noon ang tila bangayan ng dalawa sa Twitter kahit hindi nila direktang binabanggit ang pangalan ng isa't-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni Chie Filomeno sa pamamagitan ng isang tweet. Patungkol ito sa hindi na niya pinangalanang tao na aniya'y binalikan ng karma.

Chie Filomeno, nag-tweet ng makahulugang mensahe tungkol sa karma
Chie Filomeno (photo from Instagram: chiefilomeno)
Source: Instagram
Do not do unto others what you do not want others do unto you. Edi na back to you ka diba? Because karma izzzz real. Shhh na nga ako kbye

Read also

73-anyos na call center agent, nagtrabaho para maibsan ang lungkot sa pumanaw na misis

Hindi lingid sa marami ang tungkol sa bangayan nila noon ni Dawn Chang. Nagkasama ang dalawa noon sa girl group na Girl TRends. Gayunpaman, kinalaunan ay umalis si Dawn.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman sa mga netizens ang nagbanggit pa ng pangalan at Twitter handle ni Dawn Chang sa naturang tweet ni Chie. Matatandaang naging usap-usapan noon ang tila bangayan ng dalawa sa Twitter kahit hindi nila direktang binabanggit ang pangalan ng isa't-isa.

Gayunpaman, may mga netizens na nagpayo kay Chie na huwag nang palakihin ang isyu.

Chie enough na. Hayaan mo yung fans makibardagulan para sayo. Baka balikan and awayin kpa Niya hahhaahha. Nasa safe place ka na, tahimik na buhay mo. Focus ka nalang sarili mo. Galingan mo sa prod mo sa sat. Go chie

Read also

Xian Gaza, sinabing ayaw makipagplastikan; handang tumanggap din ng Php 250 million

Hi Chie! Before, ayoko sayo kasi naniwala ako sa mga paninira sayo. Pero magmula ng nagPBB ka, love na kita. You are a one misunderstood girl. Push lang Chie, marami kaming nagmamahal sayo.

Si Chienna Filomeno ay isang modelo at costplayer. Naging bahagi siya ng Girltrends, isang all-girl group na bahagi ng noontime show na It's Showtime.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang di pagkakaunawaan nila ng kasamahang si Dawn Chang. Kinalaunan ay nagsalita si Chie tungkol sa posibilidad ng kanilang pagbabati.

Kamakailan ay naging kontrobersiyal ang tanong ni Chie kung paano kainin ang ulo ng tuyo. Naging usap-usapan din ang pag-nominate ni Madam Inutz kay Chie kamakailan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel