Mariel Padilla, inilahad na wala silang wedding ring ni Robin Padilla

Mariel Padilla, inilahad na wala silang wedding ring ni Robin Padilla

- Sa Instagram post ni Angel Locsin ay binuking niyang neto lamang sila nagkaroon ng wedding ring ng kanyang mister na si Neil Arce

- Ito ay sa kabila ng ilang buwan nang lumipas matapos silang ikasal noong Hulyo ng nakaraang taon

- Maging sina Mariel at Robin Padilla pala ay wala din umanong wedding ring sa loob ng halos 12 taon nilang pagsasama bilang mag-asawa

- Ito ay binuking ni Mariel sa kanyang komento sa Instagram post ni Angel isang araw bago mag-Valentines Day ngayong taon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi lang pala sina Angel Locsin at Neil Arce ang mag-asawa sa showbiz na walang wedding ring kahit kinasal na. Maging sina Mariel at Robin Padilla pala ay wala din umanong wedding ring sa loob ng halos 12 taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Read also

Xian Gaza, sinabing ayaw makipagplastikan; handang tumanggap din ng Php 250 million

Mariel Padilla, binuking na wala silang wedding ring ni Robin Padilla
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Ito ay binuking ni Mariel sa kanyang komento sa Instagram post ni Angel isang araw bago mag-Valentines Day ngayong taon.

Kami mag 12 years wala kaming wedding rin parin mars. Hehehe happy anniversary

Sinagot naman siya ni Angel at sinabihang singilin nito si Robin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

@marieltpadilla singilin mo na si kuya @robinhoodpadilla

Tawang-tawa din daw sina Angel at Neil sa komentong ito ni Mariel.

Meron namang nagtaka kung paano nangyari iyon eh isa sa pinakamahalagang bagay ang singsing sa isang kasalan.

how do you get married without a ring? I thought that’s the main thing you need first? No hate po just asking

Sa Instagram post ni Angel ay binuking niyang neto lamang sila nagkaroon ng wedding ring ng kanyang mister na si Neil. Ito ay sa kabila ng ilang buwan nang lumipas matapos silang ikasal noong Hulyo ng nakaraang taon.

Read also

Glaiza de Castro, kinasal na kay David Rainey noong October 2021

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel