Francine Diaz, pinakita ang natanggap na mga regalo mula sa kanyang fans

Francine Diaz, pinakita ang natanggap na mga regalo mula sa kanyang fans

- Matapos niyang magdiwang ng kanyang ika-18 na kaarawan kamakailan, isang panibagong video ang binahagi ni Francine Diaz

- Sa kanyang bagong video ay pinakita niya ang kanyang pagbukas ng mga regalong kanyang natanggap mula sa kanyang fans

- Aminado naman siyang ito umano ang kanyang first time na makatanggap ng ganoon kadaming regalo

- Bukod sa natanggap na mga regalo, natanggap na rin niya ang kanyang Gold play Button mula sa YouTube sa pagkakaroon niya ng 1 million subscribers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Todo-todo ang pasasalamat ni Francine Diaz sa kanyang mga natanggap na regalo para sa kanyang kaarawan mula sa kanyang mga fans. Aminado naman siyang ito umano ang kanyang first time na makatanggap ng ganoon kadaming regalo.

Francine Diaz, pinakita ang natanggap na mga regalo mula sa kanyang fans
Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Kabilang sa kanyang mga natanggap ay damit, notebooks, libro, ballpen at ilang mga sulat at drawing ng kanyang portrait. Bukod sa natanggap na mga regalo, natanggap na rin niya ang kanyang Gold play Button mula sa YouTube sa pagkakaroon niya ng 1 million subscribers.

Read also

Ivana Alawi, naikwentong naging online seller siya noon ngayong CEO na siya ng sariling negosyo

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

You deserved all the blessings you have right now kasi pinaghirapan mo rin yan. We are so happy kasi nagustuhan mo yung gift na binigay ng Team Francine (all fandoms of Francine). Andito lang kami always to support you. Love u
Kulang pa 'yan chin, may parating pa na maraming regalo at blessings sayo lalo na sa celebration ng 18th birthday mo hihi. we love you chinny, youu deserve more than the world could give for. continue shining my love!
Deserve mo yan ate kasi napaka sipag mo, mataas pa po ang maarating mo sa mga pangarap mo salamat sa pagbibigay ng inspiration ❤️❤️❤️ keep safe and god bless you and your family

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Read also

Angeline Quinto, pinakita ang bagong "tirahan" ng kanyang Mama Bob

Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawat isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel