Unang eviction night ng PBB na wala si Toni Gonzaga, viral

Unang eviction night ng PBB na wala si Toni Gonzaga, viral

- Usap-usapan online ang unang live eviction night ng Pinoy Big Brother na wala si Toni Gonzaga

- Nilarawan ang limang nanatiling host ng programa na "Pamilya ni Kuya"

- Binubuo sila nina Enchong Dee, Kim Chiu, Robi Domingo, Melai Cantiveros at ang sinasabing main host na ng show na si Bianca Gonzales

- Kamakailan ay naglabas ng kanyang opisyal na pahayag si Toni Gonzaga patungkol sa paglisan niya sa PBB matapos ang 16 na taon na pagiging main host nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na nag-viral ang opening ng unang eviction night ng Pinoy Big Brother ngayong Pebrero 12 kung saan wala at hindi na main host ng naturang programa si Toni Gonzaga.

Unang eviction night ng PBB na wala si Toni Gonzaga, viral
Photo: Pinoy Big Brother house
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na marami ang umano'y namangha sa kakaibang opening statement ng programa kung saan napansin agad ng netizens ang umano'y Core Values ng ABS-CBN na nahagip ng camera.

Read also

El Shaddai leader Bro. Mike Velarde, inanunsyo na ang pag-endorso sa BBM-Sara tandem

"Meritocracy, Excellence, Teamwork, Teaching and Learning Honesty, Integrity & Respect Service Orientation... The Kapamilya Way" ang makikita sa standee katabi ng mga host.

Engrande rin umano ang pagpasok ng limang host ni Kuya na binubuo nina Enchong Dee, Kim Chiu, Robi Domingo, Melai Cantiveros at ang sinasabing main host na ng show na si Bianca Gonzales. Ipinakilala sila bilang "Pamilya ni Kuya."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ako ang dating boarder ni Kuya at kami ang 'pamilya ni Kuya'," ang nabanggit din ni Bianca.

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Kamakailan, kinumpirma ni Toni Gonzaga ang kanyang paglisan sa programa matapos ang 16 na taon.

Read also

Toni Gonzaga, pinasalamatan ang milyon-milyon pang nadagdag sa kanyang subscribers

Sa kanyang opisyal na pahayag, pinasalamatan din niya ang nasabing programa at mananatili umano sa kanya ang lahat ng mga hindi malilimutang kaganapan sa pagiging "angel" ni Kuya ayon sa kanya.

Inilabas ni Toni ang nasabing pahayag isang araw matapos niyang maging host ng proclamation rally ng UniTeam nina Presidential aspirant Bongbong Marcos at VP candidate, Mayor Sara Duterte-Carpio. Bukod sa pagiging host, nag-viral din ang naging pagtatanghal niya roon kung saan kinanta niya ang "Ako ay Pilipino."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: