Toni Gonzaga, pinasalamatan ang milyon-milyon pang nadagdag sa kanyang subscribers

Toni Gonzaga, pinasalamatan ang milyon-milyon pang nadagdag sa kanyang subscribers

- Pinasalamantan ni Toni Gonzaga ang milyon-milyon pa niyang subscribers na dumagdag

- Pumalo na sa 7 million ang kanyang Instagram followers habang 5 million na ang kanyang subscribers sa kanyang YouTube channel na Toni Gonzaga Studios

- Kamakailan ay nagpaalam na si Toni sa 'Pinoy Big Brother' show ng ABS-CBN kung saan siya naging main host sa loob ng 16 na taon

- Siya rin ang naging host ng proclamation rally nina BBM at Mayor Sara na naganap sa Philippine Arena

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagpasalamat si Toni Gonzaga sa lalong pagdami ng kanyang followers at subscribers sa loob lang halos ng ilang araw.

Nalaman ng KAMI na pumalo na sa 7 million ang kanyang Instagram followers habang 5 million na ang kanyang YouTube subscribers.

Toni Gonzaga, pinasalamatan ang milyon-milyon pang nadagdag sa kanyang subscribers
Toni Gonzaga (Photo from Toni Gonzaga Studios)
Source: UGC

Ito ay sa kabila pa ng kabi-kabilang pambabatikos na kanyang tinamo matapos siyang maging host ng proclamation rally nina presidential aspirant Bongbong Marcos at Vice Presidential candidate na si Mayor Sara Duterte at kanilang UniTeam sa Philippine Arena noong Pebrero 8.

Read also

Jam Magno, sinabing 'one of the best things' ang desisyong paglisan ni Toni Gonzaga sa PBB

Hindi lamang siya host ng nasabing pagtitipon, isa rin siya sa mga nagtanghal at nag-viral ang pag-awit niya ng 'Ako ay Pilipino' sa nasabing kaganapan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang araw matapos ito, pormal nang nagpaalam si Toni Gonzaga sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN kung saan siya naging main host sa loob ng 16 na taon.

Kamakailan din ay agaw-eksena ang kanyang Instagram stories kung saan hayagan na niyang ipinakita ang pagsuporta kay BBM.

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang kilalang Filipina singer, television host, actress, producer, YouTube content creator, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Ilan sa kanyang mga nakapanayam sa kanyang YouTube channel ay ang mga presidential candidates na sina Senator Manny Pacquiao, Mayor Isko Moreno at Vice President Leni Robredo.

Samantala, naging kontrobersyal naman ang naging interview niya kay dating senador Bongbong Marcos. Agad naman siya nitong dinipensahan at binigyang puri lalo na at sa kanyang palagay, mas mahusay pa umano si Toni kumapara umano sa mga journalist.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica