Toni Gonzaga, nag-unfollow ng mga kaibigang celebrity sa kanyang IG

Toni Gonzaga, nag-unfollow ng mga kaibigang celebrity sa kanyang IG

- Marami ang nakapansing nagbawas ng mga pina-follow sa Instagram ang aktres at TV host na si Toni Gonzaga

- Sa kabila ng pagkakaroon ng 7 million na followers sa Instagram, 22 na lamang ang kanyang sinusundan

- Wala na rin ni isang celebrity na pina-follow si Toni at tanging ang kapatid na lamang na si Alex ang natira

- Sa 22 na kanyang pinili pa ring i-follow, karamihan na ay family members at negosyo na lamang nila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nakaligtas sa mga netizens ang kapansin-pansin umanong pagkaunti ng pina-follow ni Toni Gonzaga sa kanyang Instagram.

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng pagkakaroon ng nasa 7 million na followers, lampas 20 na lamang ang pinili pa rin na i-follow ni Toni.

Toni Gonzaga, nag-unfollow ng mga kaibigang celebirty sa kanyang IG
Toni Gonzaga at kapatid na si Alex Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Tanging ang kanyang kapatid na si Alex ang natitirang celebrity na kanya pa ring pina-follow at ang karamihan na sa 22 na natira ay pawang miyembro ng kanilang pamilya o Instagram page ng kanilang negosyo.

Read also

Regine Velasquez, nagbiro tungkol sa aniya'y pagiging "Marites" niya

Agad umano itong napansin ng mga netizens nang ilabas ni Toni ang pinakabago niyang post patungkol sa paglisan niya sa Pinoy Big Brother matapos ang 16 na taon na pananatili sa patok na programa ng ABS-CBN. Tinanggap naman ng nasabing programa ang desisyon ng TV host.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang naturang pahayag ni Toni ay kanyang naibahagi matapos ang kontrobersyal niyang pag-host sa proclamation rally ng grupo nina presidential aspirant na si Bongbong Marcos at ka-tandem nitong si Mayor Sara Duterte na tumatakbo naman bilang bise presidente.

Ginanap ang naturang proclamation rally ng 'UniTeam' sa Philippine Arena sa Bulacan noong Pebrero 8.

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang kilalang Filipina singer, television host, actress, producer, YouTube content creator, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Read also

Sekyu ng Jollibee, pinagmalasakitang pakainin ang isang customer na PWD

Ilan sa kanyang mga nakapanayam sa kanyang YouTube channel ay ang mga presidential candidates na sina Senator Manny Pacquiao, Mayor Isko Moreno at Vice Presidente Leni Robredo.

Samantala, naging kontrobersyal naman ang naging interview niya kay dating senador Bongbong Marcos. Agad naman siya nitong dinipensahan at binigyang puri lalo na at sa kanyang palagay, mas mahusay pa umano si Toni kumapara umano sa mga journalist.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel