Carla Abellana, nagpa-tattoo sa kanyang vlog na binahagi

Carla Abellana, nagpa-tattoo sa kanyang vlog na binahagi

- Matapos ang napabalitang hiwalayan ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, nanatiling tikom ang bibig ng magkabilang kampo

- Wala sa kanila ang umamin o tumangging totoo ang lumabas na balita na unang lumabas matapos mapansin ng mga netizens ang kanilang pag-unfollow sa isa't-isa sa Instagram

- Gayunpaman, kinalaunan ay muling naka-follow sa isa't-isa ang kanilang mga Instagram account

- Sa kanyang ibinahaging video sa kanyang YouTube channel, nagpatattoo si Carla kasama ang kanyang kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mula nang lumabas ang bali-balitang hiwalay na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, ngayon lang uli nakapag-upload ng bagong YouTube video ang aktres. Sa kanyang ibinahaging video ay nagpatattoo si Carla kasama ang kanyang kapatid.

Carla Abellana, nagpa-tattoo sa kanyang vlog na binahagi
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Matapos ang napabalitang hiwalayan ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, nanatiling tikom ang bibig ng magkabilang kampo. Wala sa kanila ang umamin o tumangging totoo ang lumabas na balita na unang lumabas matapos mapansin ng mga netizens ang kanilang pag-unfollow sa isa't-isa sa Instagram.

Read also

Vloggers na sangkot sa road rage prank, kakasuhan ng pulisya

Marami parin sa mga TomCar fans ang umaasang maayos ng mag-asawa ang kanilang relasypn kung totoo ngang may pinagdadaanan ang mga ito:

Idc kahit di niya suot wedding ring niya pero we’re hoping na maayos na nila yung problema nila:( hirap rin kasi maniwala sa mga news eh kaya sila lang ang makakapagsabi ng totoo. Btw misss ko na po kayo:(( sana this feb ayos na kayo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Im still in shocked about the news..kasi kayu na loveteam ang tanging inatangan ko na magkatuluyan.. Sana maayos niyo pa ang problema niyo.. Pray lang po at malalampasan din niyo yan.
I am happy that you're happy but very very sad because you're not wearing your wedding ring anymore. It pains us so much . Please Carla huwag kayong maghiwalay ni Tom.

Read also

Heaven Peralejo, ibinahagi ang kanyang trip kasama ang kanyang "new baby"

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Kamakailan lang ay inamin ni Carla na hindi sila laging sweet ng nobyo na ngayon ay asawa na niyang si Tom Rodriguez. Matatandaang nagsama na ang dalawa sa isang bubong simula nang magkaroon ng pandemya.

Masaya umano si Carla na tumira si Tom sa bahay niya dahil wala siyang kasama dahil matapos ang pagpapatupad ng mga lockdown ay wala siyang kasama dahil nagsiuwian sa kani-kanilang pamilya ang mga kasama niya sa bahay.

Sinagot din ni Carla ang katanungan kung kailan sila ikakasal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel