Vice Ganda, nagdaos ng gender reveal para sa anak ni Angeline Quinto

Vice Ganda, nagdaos ng gender reveal para sa anak ni Angeline Quinto

- Ibinahagi ni Vice Ganda ang video ng gender reveal na ginanap nila sa bahay niya kasama ang ilang pamilya niya at mga kaibigan ni Angeline Quinto

- Dito din ipinagtapat ni Angeline sa Nanay Rosario ni Vice ang tungkol sa kanyang pagbubuntis

- Hindi ito kaagad naniwala marahil dahil sa pag-aakalang nag-pa-prank na naman ang kanyang anak na si Vice dahil ilang beses na rin itong ginawa sa kanya

- Nang mapagtantong totoo ang balita, sinabi ni Nanay Rosario na masayang-masaya siya para kay Angeline na itinuturing niya rin umanong parang tunay niyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang bumilib kung gaano kabuting kaibigan ni Vice Ganda. Para sa kanyang kaibigang si Angeline Quinto, isang gender reveal party ang inihanda niya sa mismong bahay niya. Kasama nila ang ilang pamilya niya at mga kaibigan ni Angeline.

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng isang madamdaming song cover

Vice Ganda, nagdaos ng gender reveal para sa anak ni Angeline Quinto
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Dito din ipinagtapat ni Angeline sa Nanay Rosario ni Vice ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Hindi ito kaagad naniwala marahil dahil sa pag-aakalang nag-pa-prank na naman ang kanyang anak na si Vice dahil ilang beses na rin itong ginawa sa kanya.

Nang mapagtantong totoo ang balita, sinabi ni Nanay Rosario na masayang-masaya siya para kay Angeline na itinuturing niya rin umanong parang tunay niyang anak. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

Naiyak ako dahil ramdam na ramdam ko ung concerns ng viceral family lalo sina Ms. Vice & Nanay sayo Ms. Angeline... Parang may 2nd family ka.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakaiyak. Wala naman si mama bob mo physically, pero andyan naman yung mga kaibigan mo for you. We love you ate Angge
Congrats Angge.. i wish na maging healthy si Baby Bobby at sayo na ngayon eh magiging Mommy ka na.. thank you din Meme Vice sa shalang pa gender reveal.. isa kang totoong kaibigan.. more power Angge at Meme Vice we love you

Read also

'Little Princess' na si Jo Berry, ibinahagi ang pagpanaw ng ama dahil sa COVID-19

Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Isa din si Angge sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube content nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel