Makahulugang pahayag ng manager ni Francine Diaz, umani ng mga reaksiyon

Makahulugang pahayag ng manager ni Francine Diaz, umani ng mga reaksiyon

- Marami sa mga fans ng ambalang Kyle Echarri at Francine Diaz ang nabahala sa post ng manager ni Francine sa Twitter

- Sa kanyang makahulugang tweet ay walang siyang binanggit na pangalan ngunit marami sa KyCine fans ang nagtanong kung patungkol sa tambalang KyCine ang tinutukoy niya

- Simula nang pumasok sa Pinoy Big Brother House si Kyle ay hindi na masyadong nagkaroon ng proyektong magkasama sila ni Francine

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Unang naitambal ang dalawa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan unang nabuo ang grupong Gold Squad

Sa isang tweet ng manager ni Francine Diaz, marami sa mga tagasuporta ng tambalang KyCine ang nabahala. Walang binanggit na pangalan ang manager ni Francine ngunit marami sa KyCine fans ang humingi ng paglilinaw kung patungkol daw ba sa KyCine tandem ang tinutukoy niyang wala nang tsansang mabuo.

Read also

'Little Princess' na si Jo Berry, ibinahagi ang pagpanaw ng ama dahil sa COVID-19

Makahulugang pahayag ng manager ni Francine Diaz, umani ng mga reaksiyon
Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram
Don't put your hopes up too high. Don't expect too much.. kasi it won't happen. As in wala na talaga.. that's all I want to say.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng tagahanga ng KyCine tandem:

If this is about the Kycine loveteam, sana the management will have the guts to announce properly kung wala na talaga. I mean, ofc alam naman ng fans na may problema na talaga pero siguro naman deserve nila malaman kung ano talaga ang totoo. Deserve din siguro nila malaman kung dapat na ba nila isuko yung loveteam na inaalagaan nila.
Sana po sabihin na lng po kung sino tinukoy nyo dyan.Para pa di na po kami aasa na may magaganap pa sa kanila.Para pa isa lng yung sakit kasi po ang hirap naman na ganito po yung nararamdaman naming mga fans.

Read also

Donekla in Tandem, nag-post na hiwalay na sila; "Maraming salamat sa suporta mga katandem"

Nasasaktan din kami sa hiwalayan ng dalawa. But we understand both sides at handa kami maghintay hanggang ready na sila . Stay blessed and happy Kycine!

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawaging ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawat isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate