Mga kaibigan ni Angeline Quinto, inakalang prank lang na buntis siya

Mga kaibigan ni Angeline Quinto, inakalang prank lang na buntis siya

- Sa isa sa mga video ni Angeline Quinto, nakwento niya kung ano ang naging reaksiyon ng kanyang malalapit na kaibigan nang malaman ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao

- Aniya, inakala ng kanyang mga kaibigan na nagbibiro lamang siya o di kaya ay nag-pa-prank lamang siya

- Nang makita umano nilang seryoso siya ay napaniwala naman sila at natuwa para sa kanya

- Matatandaang pormal na isinapubliko ni Angeline ang tungkol sa kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng YouTube video interview sa kanya ni Boy Abunda

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Angeline Quinto, ang kanyang mga malalapit na kaibigan ay hindi kaagad naniwalang buntis siya nang una nilang marinig ang tungkol dito. Inakala umano ng mga ito na nagpa-prank lamang si Angge.

Mga kaibigan ni Angeline Quinto, inakalang prank lang na buntis siya
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Gayunpaman, nang makita umano nilang seryoso siya ay napaniwala naman sila at natuwa para sa kanya. Marami naman sa mga viewers ni Angge ang nagbahagi ng kanilang kasiyahan para sa kanilang idolo:

Read also

Tita ni Darren Espanto, umalma sa umano'y pandadawit sa pamangkin

Congratulations Ms.Angeline! So happy for you.its a boy, please take care , pray, GOD Bless you and baby Bobby.the same feeling Ms.Angeline first time mom here. 5years bago din ako nabuntis sa baby Boy ko. iba talaga ang feeling kapag mommy ka na.lahat gagawin mo para sa kanya.
Sobrang excited kami para syo ate angge na makita si baby and stay safe always in your family and si baby we love you ate angge congrats

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hi angge! Congratulations to your pregnancy so excited for you and praying for you safety and also the baby. Angeline hope maipakita mo nman yun sarili mo with your baby bump gusto lng nmin mkita kung gano n klaki tyan mo. It's nothing to be ashame of kc cute kya tingnan ang babae pg buntis in their maternity dress

Read also

Jodi Sta. Maria sa kanyang 'Broken marriage vow' in real life; "The biggest failure"

Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Isa din si Angge sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube content nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate