Arnel Ignacio, kinwento ang paghihiwalay nila ng asawa 5 araw matapos ikasal

Arnel Ignacio, kinwento ang paghihiwalay nila ng asawa 5 araw matapos ikasal

- Aminado si Arnel Ignacio na malaki ang pagmamahal at respeto niya sa kaisa-isang babaeng kanyang pinakasalan

- Matagal silang nagsama bago tuluyang napagpasyahang magpakasal ngunit tumagal lamang ng limang araw mula nang ikasal sila

- Gayunpaman, hindi pa rin sila nagpapa-annul ng kanilang kasal hanggang sa kasalukuyan

- Nabibiyayaan sila ng isang anak na babae na kasalukuyang nasa poder niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi ipinagkaila ni Arnel Ignacio na sobrang mahal niya ang ina ng kanyang anak. Ito ang nag-iisang babaeng kanyang pinakasalan. Gayunpaman, inabot lamang ng limang araw ang kanilang pagsasama matapos nilang ikasal.

Arnel Ignacio, kinwento ang paghihiwalay nila ng asawa 5 araw matapos ikasal
Arnel Ignacio (Screenshot from TicTALK with Aster Amoyo YT channel)
Source: Instagram

Kwento pa ni Arnel, matagal na silang nagsama ng asawa bago sila nagpakasal. Inabot ng 12 na taon muna ang kanilang pagsasama. Nang magpakasal sila ay saka naman sila nagkahiwalay.

Ayon pa kay Arnel, pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit sila naghiwalay dahil pakiramdam niya umano ay hindi niya ito kakampi. Kwento pa niya, siya ang unang nagkagusto sa asawa niya.

Read also

Trina Candaza, may matinding hugot tungkol sa mga "jowang sakit sa ulo"

Unang beses niya umanong nakita ito ay nagustuhan niya agad ang dating misis kahit may asawa ito. Gayunpaman, napansin niyang tila may problema ito sa kanyang asawa hanggang sa naghiwalay sila. Mainitin din umano ang ulo niya noong nagsasama pa sila at mabusisi din siya sa bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbalak pa raw sana siya ng magandang kasal matapos ang kanilang civil wedding.

Marami man ang nagtatanong sa kanya, hindi pa rin sila nagpapa-annul ng kanilang kasal hanggang sa kasalukuyan. Nabanggit na rin umano niya ito dati.

Humingi naman ng tawad si Arnel sa lahat ng kanyang naging pagkukulang sa kanilang relasyon.

Kahit nagkahiwalay ay nanatiling maayos ang turingan nila ng dating asawa. Nabibiyayaan sila ng isang anak na babae na kasalukuyang nasa poder niya.

Si Arnell Arevalo Ignacio ay nakilala bilang isang game show host, comedian, actor, news anchor, at singer-songwriter. Ilan sa mga shows niya ay Chibugan Na!, Kwarta o Kahon, GoBingo, Katok Mga Misis!, at K!

Read also

Lalaking sumasagot ng email habang nagpa-parasail, kinagiliwan ng netizens

Matatandaang ipinagtanggol si Arnell ng aktres na si Aiko Melendes matapos ang naging pahayag ni G sa Twitter. Si Arnell ay kilalang tagasuporta ng pamahalaan. Katunayan, naghain siya ng reklamo kay Mystica dahil sa pagmumura nito sa pangulo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel