Lalaking sumasagot ng email habang nagpa-parasail, kinagiliwan ng netizens

Lalaking sumasagot ng email habang nagpa-parasail, kinagiliwan ng netizens

- Kinagiliwan ngayon online ang video ng isang lalaki na nagpa-parasail

- Ito ay dahil sa may dala itong laptop kahit na siya ay nasa ere pa rin

- Aniya, sumasagot daw siya ng email sa kanilang kliyente gayung inaasahang naka-work from home siya ngunit siya ay nakabakasyon

- Maging ang boss niya ay nagulat sa naisipan niyang gawin lalo na at pabiro niyang sinabi na nakahanap pa siya umano ng magandang spot para sa maayos na signal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon ang video ni Denver Cartagena Poria kung saan makikita siyang nagpa-parasail.

Ngunit ang nakaagaw ng pansin sa video ay ang laptop na dala ni Denver kahit na siya ay nasa ere.

Isa umanong saleman si Denver ayon sa panayam sa kanya ng Coconuts. Naka-work from home siya subalit naisipan din naman niyang magbakasyon.

Read also

Viral vendor na umalma sa 'no vaccine, no ride', nag-sorry na; "Wala kaming ginagawang masama"

Lalaking sumasagot ng email habang nagpa-parasail, kinagiliwan ng netizens
Photo: Denver Cartagena Poria
Source: Facebook

Gayunpaman, nakagawa pa rin siya umano ng paraan para makasagot ng email mula sa kanilang mga kliyente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Me: Wait ka nga! Ito na ginawan ko na quote, teka hanap ako wifi signal ang bagal ng data.. Ayun email sent," ang sagot niya sa kanyang boss na inakalang hindi niya nagawa ang trabaho dahil sa kanyang pagbabakasyon.

Sinadya niya raw itong gawin para biruin ang kanyang boss na tawang-tawa naman sa naisipan niyang paandar.

Subalit aminado rin si Denver na bahagya siyang kinabahan sa kanyang naisipang gawin gayung may kalakasan ang hangin sa oras na nag-parasail siya.

Narito ang kabuuan ng nakakaaliw na video:

Kamakailan ay kinagiliwan naman ang video ng isang buntis na majorette na todo hataw pa rin sa baton twirling exhibition niya.

Read also

Anak ng komedyanteng si Dagul, ipina-Tulfo ng dating kinakasama nito

Kwento ng kumuha ng video, dating majorette at leader talaga nila ang buntis na ito. Laking gulat lamang nila nang mapadaan sa tahanan nito, nagkaroon na ito ng solo performance niya sa kalsada na hinangaan ng marami.

Umagaw din ng eksena sa social media kamakailan ang wedding proposal ng nobyo kung saan ginawa niya ito sa kanilang paboritong online game ng babaeng kanya na palang pakakasalan.

Ilan lamang ito sa mga nakaaaliw na kwentong pinag-usapan at nagbigay sa atin ng saya sa kabila ng patuloy pa rin nating dinaranas na pandemya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel