Trina Candaza, may matinding hugot tungkol sa mga "jowang sakit sa ulo"

Trina Candaza, may matinding hugot tungkol sa mga "jowang sakit sa ulo"

- Ilang araw lang matapos ang paglabas ng balitang may pinagdadaanan ang magkarelasyon na sina Carlo Aquino at Trina Candaza, isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni Trina

- Lumabas ang balitang ito matapos mapansin ng mga netizens na tila hindi na umano nagbabahagi ng pictures nilang magkasama ang dalawa

- Bukod pa dito ay may mga nakapansin din sa pagbalik nina Trina at anak niya sa kanyang condo unit

- Sa kanyang pinakabagong post sa Facebook, ibinahagi ni Trina ang tungkol sa aniya'y "jowang sakit sa ulo"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Walang binanggit na pangalan si Trina Candaza sa kanyang matinding hugot tungkol sa mga "jowang sakit sa ulo." Gayunpaman, dahil nga napabalitang may problema sila ng karelasyong si Carlo Aquino, hindi maiwasang iugnay ng publiko ang kanyang post sa karelasyon nitong si Carlo.

Read also

Jackie Lou Blanco, inaming bukas sa posibilidad ng pakikipagbalikan kay Ricky Davao

Trina Candaza, may matinding hugot tungkol sa mga "jowang sakit sa ulo"
Carlo Aquino at Trina Candaza (@trinacandaza)
Source: Instagram

Aniya, malalaman ng isang babae kung pinapahalagan siya ng kanyang partner sa pamamagitan ng ginagawa nito kapag hindi sila magkasama. Aniya kapag may pinupuntahan itong ibang babae, huwag nang asahang magbabago pa ito.

You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya. Kung may pinupuntahan na agad na babae…Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang lumabas ang balitang may pinagdadaanan sila matapos mapansin ng mga netizens na tila hindi na umano nagbabahagi ng pictures nilang magkasama ang dalawa. Bukod pa dito ay may mga nakapansin din sa pagbalik nina Trina at anak niya sa kanyang condo unit.

Ang karelasyon ni Trina na si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng isang madamdaming song cover

Matapos ang muling tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, napabalita ang tungkol sa namuong pagtitinginan nila ni Trina Candaza hanggang sa tuluyan na nilang inamin ang kanilang relasyon.

Samantala, matapos ang pagsikat ng Korean series na Squid Game, ibinahagi ni Carlo na kabilang sana siya sa cast ng naturang serye. Ibinahagi niya ang natanggap na sorpresa mula sa Netflix kasunod ng kanyang rebelasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel