Mariel Padilla, hindi na umano nakatikim ng pork simula nang maging sila ni Robin Padilla

Mariel Padilla, hindi na umano nakatikim ng pork simula nang maging sila ni Robin Padilla

- Isang Instagram user ang nagtanong kay Mariel Padilla kung nagluluto pa rin daw ba si Mariel ng mga pagkaing bawal sa mister nitong si Robin Padilla

- Ani Mariel, pagdating sa pagkain ng masustansiyang pagkain ay daig siya ng kanyang asawa

- Sinabi niya rin na simula nang maging sila ni Robin ay hindi na siya nakakain ng pork

- Bilang isang Muslim, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na hindi kumakain ng pork si Binoe

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang Instagram stories, sinagot ni Mariel Padilla ang ilan sa mga katanungan sa kanya ng mga netizens. Isa sa naitanong sa kanya ay kung nagluluto pa rin daw ba si Mariel ng mga pagkaing bawal sa mister nitong si Robin Padilla.

Mariel Padilla, hindi na umano nakatikim ng pork simula nang maging sila ni Robin Padilla
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram
Nagluluto ka pa din po ba Ms Mariel ng bawal kay robin or dina po? no offense po,lab U po

Read also

Janella Salvador, matagal nang alam na crush siya ni Joshua Garcia noon

Ani Mariel, pagdating sa pagkain ng masustansiyang pagkain ay daig siya ng kanyang asawa. Sinabi niya rin na simula nang maging sila ni Robin ay hindi na siya nakakain ng pork.

Robin is a very healthy eater. Healthier than i ever will be. If you are asking if I cook pork? I have not eaten pork since i got together with Robin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mariel Padilla, hindi na umano nakatikim ng pork simula nang maging sila ni Robin Padilla
Screenshot form Mariel Padilla's IG story (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Bilang isang Muslim, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na hindi kumakain ng pork si Binoe. Naging Muslim si Robin habang nasa piitan siya para sa kasong illegal possession of firearms.

Nasentensiyahan siyang makulong ng 21 taon ngunit napalaya siya noong 1998 sa conditional pardon na iginawad ni dating pangulong Fidel Ramos.

Isa sa kanyang adbokasiya ay ang matulunga ang Filipino Muslim Community. Sa katunayan, nakalikom siya ng pondo para sa Muslim cemetery sa Norzagaray, Bulacan.

Read also

Brilliant Skin owner, ibinahagi kay Big Brother ang mga naging trabaho niya bago siya maging boss

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel